Home » Page 3
very special love. hahahaha =))
July 20, 2008wala lang. o pano ba yan. tapos na one more chance. A very special love naman ni papa lloydie. haha X) bakit ba kasi ang lakas ng charm ni john lloyd? tsk tsk. oo na nga. kurni na kung kurni. e kinikilig ako e. ba’t ba?!
nang away na.haha. patok yung linya e.. “ang mga ganyang lalaki. pinipilahan yan”.. “edi pipila ako!” hahaha. =)) yan din sagot ko. hahaha.
Ano na nangyayari sakin? May B.toy daw ako. Boytoy. :]pero hindi ko siya toy.. :] ok ok. boylet na lang!haha. actually. siya yung nagpapakilig sakin nung bandang xmas day. :] ayun. sa wakas! nabihag ko din. hayup un… kailangan lang pala e pumayat ako para madikit sakin.=)) medyo madalas magkita.. sabi ko pa man din. ayoko ng manliligaw..di pa handa. e ano magagawa ko? SIYA na ito e. ayos lang. MOO lang muna(M.U. daw)..
ano ang unang nagustuhan ko sakanya? Mata.haha. first year nung una ko siyang makilala. at grabe..parang TUTA lang e.. tuta hindi muta :]. parang nangingiyak ung mata.. baby. :] lagi nya nga ako niloloko na sugar mami niya ako e. asus. para nmng may pang breastfeed ako.haha. :] wala nga daw e! parang kinagat lang ng langgam e.. pantal.haha =))
Aun. medyo mahirap pa maconvince kasi may itsura na tapos..matangkad pa.. baka mamaya e ipagpalit ako. PATAY!haha mababaliw lang ako pag ganun. mag EMO na lang ako. :] siya ang SPECIAL LOVE ko ngaun. :] love? owwsss.. di totoo. special crush.haha. nakakakilig lang.haha. kaso parang bunsong kapatid lang ako. e ang tangkad. 6″1′ tapos ako 5″3′.. bansot ko.hahaha magmomodel model epeks sana siya e.
Nag DATE nga pala kami kanina. halata naman na MOO kami e.. kras nas kras ko kasi.di na maitago?haha. hala! kahirap pigilan ang nadarama. :] kahit isipin ko pa na baka maulit ang mapait na nakaraan.. e walang magawa.. type ko e.hahaha. tawag ng laman? haha.yak. ambaboy ko talaga!hahaha.pero maniwala man kau o hindi..isa po akong matinong tao. ndi ako pokpita..medjo lang.haha. :]
well.. sinundo ako sa dorm ng 9:30am.. nag arcade. (may BATMAN na akong timezone card) nag videoke..kumain sa sbarro., nanood ng dark knight. ampanget lang. :[ kasi last week wanted yung pinanood ko..bumaba tuloy value ng dark knight. superganda ng wanted e. angelina jolie is HOT.. ayun. tapos nagikot sa mall. at umuwi.. dapat kaya ihahatid pa niya ako sa bulacan. di lng ako pumayag. hehehe. sweet noh. :] at sagot niya pala lahat.. wala akong gastos. yehey. :]
nahihirapan nga ako. mahirap pag gusto mo ung tao since matagal na panahon na.. hai nako.. ay kilala na pala ako ng ate niya. PATAY. nasa isang building lang kami ng ate niya.. baka irapan ako.hahah. kaya nga ipag bebAke ko ang ate niya ng cookies e. pati c LOU na bespren niya at kapangalan ko pa. tsk tsk. lalaki un ahh. e ang dami niya kasing ginastos sakin kanina..kaya iggrant ko ang mga baking request niya, :] sana nga hindi ako pumalpak sa cheesecake. :O iibahin ko ang brand ngaun. dapat kasi bongga.haha.
aun. nako. patay. ayaw ko pa matali.. kaso gusto ko talaga siya. nako. ang hirap.. hindi pa ako nag iisip masyado.. pag nasa moment na. bahala na. :]
Live-in partner. =))
June 27, 2008Long time no write. :]
oo. lumayas na ako sa bahay.. nakipag live-in ako sa kaklase ko. Hahaha. =)) masiyadong immoral. baguhin natin.. Nag rent na ako ng studio type na room malapit sa school. at kasama ko ang kaklase ko na BABAE. pero di ko pa sure kung babae talaga siya.haha =)) ayun. so kunware Miss independent. haha. sosyalan. pero di naman totoo. :]
so namimiss ko lang naman ang internet pag weekends. at siyempre ang family ko din. nako.. namimiss nga din ako ng nanay ko e. hinahanap ako lagi.. at ayun. dinadalhan pa ako ng inumin sa kwarto. haw totpul. haha.
Okay naman ang third year. medjo lumalabas na ang tunay na kulay ng nursing.!! BLACK.. my name is rain :] haha. ang hirap na din kaya. nagsasabay sabay lang naman kasi mga quiz e.. so, alam ko lang nmn kung saan ako tatagilid. MED SURG!! lang ya naman oh. napaka hirap naman kasi magpa quiz. TRICKY kung TRICKY! anu beee..
ayun.. so may teacher naman kami sa socio,, isa siyang sister. hmm.. may mga oras na gusto ko siya. pero may mga oras na ayaw ko siya. unang una.. pilosopo kasi siya. e parang hindi tama sa image niya na madre.. pangalawa.. masyado niyang ginagamit yung power niya. e ayoko kasi ng teacher na nananakot. alam mo yung feeling na hindi mo ma-enjoy yung klase.. kasi takot ka. At ayoko ng taong feeling niya e lagi siyang tama.. kasi kanina.. nung nagsasalita siya sabi niya “you know what happen when you’re chemically dependent?” sabay sabi ng kaklase ko “ahh..chemically dependent”. tapos nagsalita na siya na “you’re saying something?.. I know chuva chuva ek ek.”.. hala niligtas na lang siya ng kaklase ko at nagpalusot .. e un lang naman sinabi niya. Awts talaga. rinig na rinig ko e.. nagmagaling nmn ung madre na alam niya daw talaga..hai naku. sabi nga ni sir JV. “the government that governs the less is the best”.. naniniwala ako jan.
yung mga paborito ko kasing titser. tulad ni Sir.Melvin Almonguera nung 4th year high. ako! e funny.. jolly.. kumakanta sa klase.. nakikipag asaran. pero matututo ka kasi gusto mo talagang makinig sa bawat salitang bibigkasin niya. alam mo yun? yung hindi umaabuso sa kapangyarihan ng isang titser.. never pa ako inantok sa klase niya. tahimik kami..pero ung titser yung maingay,haha :]] tapos nagbabasketball pa siya sa blackboard. :] namiss ko tuloy.haha.
Isa pangbagong prof. ay si Sir.Hibek. haha. ang matronang manyakis! hahah. ang manyak talaga nun. pero may point naman siya.. at ginagampanan niya talaga ang gawain ng isang literatura “to teach by DELIGHT” oo. super delight e mamamatay ka kakatawa. :] nagtatanong ba naman ng “are you devil in bed?” haha. si Tim.. or mag sabi daw ba ng “Fuck me, bitch” hahaha. adik lang e.. nalaman ko nga na may natitipuan siya na lalaki sa ibang section.. tinatawag ba namang “sex machine” haha. sabaw. :]
ayun.. okay naman ang buhay may dorm. namimiss nga lang ang pamilya at kompyuter. at namimiss ang luto ni inay. awwww.. :] at namimiss ang CABLE. grr. ang pinapanuod namin?? the singing bee!!!hahahah. kurni. BUBOY. buboy-og. kaya pala siya nag host ng the singing bee. haha. kasi siya si buboy-OG.haha
bye bye..
June 6, 2008Mariah Carey - E=MC2 13 - Bye Bye
na stuck na ako sa bye bye ni mariah carey..
I never knew I could hurt like this
And everyday life goes on like
“I wish I could talk to you for awhile”
“I wish I could find a way try not to cry”
stuck na stuck sa utak ko yan. ai ewan. mababaliw yata ako e…….damn. napanaginipan ko kasi siya. ewan ko..
nanaginip ako. papasok daw ako sa bahay namin.. as in kakaiba yung bahay. pero alam ko bahay ko yun.haha. tapos walang gate. american style yung bahay.. tapos ang daming tao na nakapila sa pinto.. e wala akong kakilala.. tapos dumating siya.. lumapit siya tapos bumulong “worthed naman pala yung pag-alis ko e..”
ou ang weird. e minsan ko lng nmn xa nakakausap.. minsan tuloy nagugulo ako. e alam ko nmn na wala na talaga akong nararamdaman. walang urge na makipag usap sakanya. walang kilig factor pag kausap ko siya.. pero parang trap pa din sa past. na kahit wala nmn nangyari noon… na parang siya pa din ung pinaka.. O c’mon. sabi nga ni dru.(sa stat na niya lang.. kukopyahin ko) “Life’s simple: we make choices and never look back” :] sinong mag-aakala na may mapupulot ako sa taong yun.hahaha.
sa una talaga yung naiisip ko sa kantang yan eh yung lola ko. kaya naiyak ako nung una kong narinig. e kasi sabi niya “this is for my peoples who lost their grandmothers.” ayun.nag emote na ako.. malay ko bang mapupunta sa kanya yung ibang meaning, sa lalakweng un.
basta ang alam ko: masaya ako na dumating siya sa buhay ko kahit madaming bad memories. at least hindi natatalo yung super daming good memories.. masaya ako sa ngayon. :] on separate ways. sadyang hinihintay ko lang yung tao na hihigitan yung mga nagawa niya. e hindi din siguro ako masisisi.. sabi nga ni vianney “sabi nila..lagi mo daw ico-compare ang first love mo sa mga dadaan sayo”.. haha. mukhang totoo nga. siguro lagi siyang magiging basis ko.hahaha. :] masaya kasi kami noon..wala kasing commitment tlga. parang crush niyo lang ang isa’t isa.. tapos tingin niya sakin lalakero. tingin ko sakanya babaero/bakla/hindi talaga ako gusto. haha. weird story.
naalala ko lang.kasi laging may nagpapa-alala e..parang pinipilit ako..anu beeee. siyempre di ko nmn sasabihin na wag niya ipaalala..ayoko nmn isipin niya na bitter ako o kaya na hindi ako maka move on. naka galaw na talaga ako. at masaya na ako sa friendship. :]
isa pang gusto kong line:
I thought you were so strong
That you can make it through whatever
It’s so hard to accept the fact you’re gone forever
haha. hindi talaga ako bitter.. sadyang parang ayaw ko lang paniwalaan na pinag aksayahan ko siya ng oras dati.. pero hindi niya kayang lumaban,. sabi nga ni pol “kung gusto ka talaga niya.. babalikan ka pa din nun” e niayay ko nga eh. hindi nmn bumalik.hahaha. :]
pero para naman sa lola ko.. naiyak ako nung narinig ko yung:
And soon as you reach a better place
Still I’ll give the whole world to see your face
And I’m right here next to you
It feels like you gone too soon
namimiss ko na yung pagbabalat niya ng orange sakin habang nakaupo ako sa lamesa.. yun ang pinaka matatandaan ko kahit lola na ako.. ang sweet kasi nun. binabalatan niya talaga ng todo todo. yung wala yung manipis na balat,. anu ba kasi tawag dun. ung parang extract na lang talaga matitira.haha. anu ba kasi yun..? hirap i-explain.
** hindi nmn ako mag susulat ng ganito kung hindi ko siya napanaginipan e. lecheng panaginip.. nanisi pa e.haha
Music.=>piano.violin.oboe
June 1, 2008 <— Grand piano nila dru. :] hai. ang tagal na nung huling tugtog ko.. 4 years?haha. tinamad kasi ako e.. malay ko ba kung anu nangyare sakin. e ngaung linggo, ginanahan nanaman ako. salamat sa isang tao na pinilit ako manood ng isang palabas. dahil sa palabas e na-inspire ako tumugtog..thanks J. good friends na kami ngaun. wala ng iba. feeling pianist din kasi ung batang yun. yun yung common interest namin kaya nagkakasundo kami sa ganung bagay. Dahil kay noda megumi-chan, gusto ko matuto mag piano ULIT. oo, ulit..kasi nakalimutan ko na yung ibang piece ko. pero this day, natapos ko yung “eternal flame” na dati..hindi ko matapos tapos.haha. tamad e. :]
at tinatapos ko na din yung THE GIFT ni Jim brickman na paheram lang din sakin. :] kinakabisado ko na lang..kaso mahirap talaga magkabisado.. di ko kaya tumugtog ng walang piece sa harap ko.haha. nalilito kasi ako e.. medjo mabilis naman ako magbasa kaya naguguide ako ng piece pag tumutugtog..
nais ko kasi bumili ng violin e. yun yung gusto kong pag-aralan ngaun..e kaso, bago kasi ako mag-aral ng ibang bagay, gusto ko medyo magaling na ako mag piano..kaso hectic na yung sched. ng 3rd year kaya hindi ko alam kung makakapag aral ako ng violin,. at wala din akong pera para mag-aral nun.haha. xempre auko i-asa sa parents ko yung gastos sa mga gusto ko lang gawin. :] mag-iipon ako. at baka maisingit ko sa sched.
may kakilala ba kau na nagbebenta ng violin? pwedeng second hand.basta in good condition..dapat kasi mura lang.haha. baka kasi hindi ko maituloy. sayang ang pambili.hahaha. e tamad tamad ko pa naman. :]
nagtataka ako kung bakit may mga tao na hindi mahilig sa classical music. parang ang taas nga ng tingin ko dun e. parang yun yung highest level na kayang marating ng isang instrument.. parang yung instrument yung mismong kumakanta. ang sarap sa tenga. haha. nagddownload nga ako ng mga beethoven,mozart at rachmaninoff. :] gusto ko pa ng chopin,bach at schubert. haha. :] adik. ngaun ko nga lang narinig yung tunog ng OBOE..grabe ang ganda ng tunog. siguro kung may ganun sa rockband, HANEP ang dating. kaso maasikaso yung oboe. kasi may reed pa na ikaw mismo yung magtatabas tapos may babad sa tubig pang nalalaman. :] pero ang lambing talaga sa tenga. :] WATCH(a must):
parang gusto ko tuloy ng oboe.. kaso mahirap gumawa ng reed. =)) wag na lang. baka pumalpak lang ako. :]
mandarambong :]
May 30, 2008enrollment namin nung may 29. and.. NOT OFFICIALLY ENROLLED pa ako. ka-asar naman ohh.. sa june 04 pa ako mag-eenroll. kainis nmn kasi ung educational plan ko..ang gulo eh.
aun, so nagdala pa ako ng cheque kasi nga hindi ko alam kung gaano ba kalaki yung sagot ng plan ko.kung 100% ba na babayaran ung tuition fee. eh..dahil nga di naman ako nakapag enroll e umalis na lang kami,
e ayun.. pumunta kami ng SM pagkatapos ng enrollment at kumain sa BK. nilibre ako ni pio.haha. ambaet na bata. anyway.. nung pauwi na ako. dun ko lang naalala na hindi ko na hawak ung brown envelope ko.(may lamang cheque un e! wala pang sulat..pirma lang) hala. tumawag na ako agad sa bahay na ipa-block ung cheque. baka kasi i-withdraw un e. nakooooooo pooo. auko na nga umuwi ng bahay nun. maglalayas na dapat aku e. takot kasi ako..nako pagagalitan nanaman ako niyan. sangkatutak na away nanaman to,.haha. :]
Hala! ang bilis ko tumakbo. nagkanda tapilok tapilok na ako. eh kasi nmn naka heels nmn ako. jusko maawa.. tapos nakalimutan ko magbayad ng pamasahe sa jeep!! hahaha. e naawa nga ako sa driver nung naalala ko e. kasi naman 8 pesos din yun.tsaka mamaya isipin niya..isa akong mandarambong!haha =)) aun.. so inisip ko kaagad si pio.baka kasi nasakanya. e anak ng tipaklong. sa bundok yata nakatira un e.. can’t be reach lagi, naku. talaga. nangiyak ngiyak na ako kakahanap. naluka na ako! luluha na talaga ako ng bato(exag).. pinagtitinginan na nga ako kasi para akong nalosyang na.haha. kawawang bata..
at ayun.napag-usapan pa yung pagiging BRAT ko. e hindi naman kasi ganun lahat e..ako lang yung ganun sa magkakapatid. e kasi nag-iisang babae na nga, bunso pa. tsaka yung panahon pa na inilabas ako..e may kaya na yung pamilya namin.. tipong malaki na yung bahay namin tsaka madami ng ipon..kaya ako yung napagbuhusan ng luho.. e hindi kasi ako nagcocommute ng papuntang UST. kung gagawin ko man yun. jeep ng kaunti tapos Taxi na.katamaran talaga. tapos lagi pa ako nag kukunwari na male-late na ako kaya dapat ihatid ako..haha. sinungaling na bata. tapus magdadrama ako pag di pwede.. alam mo un. napaka brat.
at LAGI AKO NANGUNGUTANG. haha. naiiwan ko kasi yung baon ko e. kasi naman hinahatid nga ako kaya minsan nakakalimutan ko humingi,.,e ang tanda na din ng parents ko para maalala lagi. so ayun.. minsan nga umaalis ako ng bahay na walang pera tapoas papasundo na lang ako. e kasi walang problema sa tawag.. naka post paid pa kasi ung phone ko. so luho kung luho yata.. :]
ayun.. feeling ko nga parang naiinggit ung kapatid ko sakin..e ayos lang.pag naman nag-aaway. siya lagi panalo. e paborito naman siya ng nanay ko. e ang lakas makipag-away nun e! dun ko yata nakuha ang debating powers ko.haha :]


