Home » Post Item » pasko na daw. :]/ starbucks for play! =))
pasko na daw. :]/ starbucks for play! =))
December 22, 2008Welcome back!!!
come’nnnnn! welcome me :]
haha,. dahil bakasyon na. tara lets at sulitin ang pagbblog.tutal.wala naman na akong magawa sa earth. :]
PASKO na.!! yeh ba!!!pero di ko feel. bakit bakit? kasi wala akong pera! :] purita na ako ngayon. mahal kasi ng jacket ni hany-my-lab-so-sweet. yakks! di namin tawagan yun. joke time yun. :] e kasi naman. nagpapaka sugar mami daw ba ako?hahaha. e kasi ang dami kong utang sakanya. nahiya ang apog ko. =p hay! makiki-table na lang ako.haha. pokpita. =p e naman. kailangan ko hintayin ang pasko para mambola ng mga ninang at ninong.(sana hindi pa nila naiisip na matanda na ako)
kailangan ko ng peraaaaaaa. nakakainis kasi nag BINGO sa village namin kagabi. hai. hindi man lang ako nanalo. bwiset.isa na lang. bingo na! sayang yung first prize. isang sako ng bigas! bebenta ko sana sa nanay ko para magkapera ako.haha.parang di ako nakikilamon ng bigas dito e noh? =p
sayang at wala akong pera. mamimili sana ako sa Mango! sale pa man din. hay. pag malas ka nga naman. kelan ba kasi ako magiging life of the rich and famous?haha. ASA. :] dapat talaga e pinatulan ko na si papa DOM non.haha.joke lang. kailangan ko yata talaga magpakahirap sa med school para makabili ng mga rich clothes.weeehee.
Pasko pasko pasko! magparamdam ka naman. well, medjo naramdaman ko naman dahil lumalamig ang mundo. kaya nga tinatamad na ako maligo minsan.(hehehe. pero naliligo talaga ako.pramis!maputi pa naman ang kili kili ko oh) wala pa ako maxado natanggap na christmas gift. taghirap na ata talaga. kuripot na ang mga tao.haha XD kakatamad pag bakasyon. kakatamad din pag may klase. haha. paradox!
Nag christmas party nga pala kami. at ang saya!! kumpleto ang pamilya ng aming section. :] oha oha! di kaya ng ibang section yan.haha. YABANG! e totoo naman kasi. :] galing talaga nila officer. at xempre. party yun e! basta may party papatusin. kahit third party?!hehe. ayun. masaya naman. at ang daming pagkain. LAMON to the max. may mga tatoo pa kaming nalalaman sa mukha. Landeee. :] tapos ang daming lasing at nagsuka. BASAG. may mga heart problems e. tinamaan ng pana ni kupido e. =p hay. sinwerte lang talaga ako sa buhay pag-ibig since college at medjo I get who I want. hohohohoh. pero syempre super efforts yun. to da max!whoohoo =))
Sa kalagitnaan ng party. abay umeskapo kami. mga takas.! :] at nagpunta sa starbucks. Susyal! akala mo mayaman.haha. e kasi kailangan na ng kape. 1 am na nun.. at si vyani ay nakabihag ng starbucks employee. starbucks boy!haha. yung tagatimpla ng kape.hahaha. akala mo susyal e, taga timpla lang pala itatawag ko. =p sabi ni kuya tagatimpla ng kape namin. “may pilay ka ba?”… “para ka kasing hinulog ng langit” WAHAHA. humihirit pa si kuya e. naka ng pick up lines! yun yun e. wala namang na pick up. kulangot lang!hehe.
at may bago kaming natuklasan. pag umorder ka sa starbucks..itatanong “what’s the name for the cup?” tapos sasabihin nila pag natimpla na ang mala ginto mong kape na nagkakahalaga ng 100 pesos pataas. “For name“ like “Mocha frapuccino for LOU” naisip namin na palitan like. “Mocha frap for FREE!(name niya ay free)“ hahaha. tinginan yung mga tao.akala nila free. muntik na magka stampede ala wowowee(hahaha. akala mo lahat ng tao adik sa kape e. nag stampede pa =p) meron pa.
“For Ever/ for life/ for reigner/ for head/ at ang mahiwagang FOR PLAY!!hahaha
“mocha frap for play” at hindi ka sasagot at hahanapin ka ni kuya starbucks boy “FOR PLAY?! FOR PLAY?! ANYONE?” hehe. si kuya starbucks…. mahilig!hohoh =p ang polusyon na ng utak ko. tsk tsk. tumatanda na nga ako. patey patey XD
nung christmas party pala ay nasali ako sa mahiwagang hip hip huri!!haha. hip hip?! Huri!!!!! may sarili kaming papi! sayang at hindi ako nanalo! sasayaw na lang ako ng igiling giling! :] kaaliw nga ang aming mga games. may nalalaman pang “Catch my egg” in tagalog SALUHIN MO ITLOG KO. hahaha. benta! isa lang ang partner na nagwagi..dahil nagkabasagan ng mga itlog. =p at ang mahiwagang paper dance na palakasan pala magbuhat ng partner ang laban! buti hindi ako sumali..kung hindi, isang karumal dumal na krimen na ang naganap. :]
pasayahin sana ang pasko ko… penge pera. pautang!hahaha =p
Previous Comments
ate.. pahingi naman ng tips kung pano pumuti ang kile kile.. XD
Posted by phot at December 28, 2008, 6:12 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



hany-my-lab-so-sweet.???? yak.
Posted by vian at December 24, 2008, 12:29 am