Home » Archives » December 2008
babush 2008. welcome 2009 :]
December 30, 2008kagabi ko pa to ginawa.di ko lang natapos..si kuya kasi. hinatak ako papuntang inuman. mukhang ako yata ang sasalo sa tagay.haha. ASA. :]
Dahil uso ang mga bago matapos ang taon na blog entry. makikiuso na din ako. parang yung paa ko na nakikiuso sa gladiator.haha. so my review of 2008 na parang isa lang siyang pelikula para i-review,susyalan.. :] so kamusta nga ba ako sa taon na ito?
=”HAPPY MUCH”.yan ang malanding sagot!haha =)) madaming nangyari at madami ding hindi!haha.. parang in denial pa nga ako na last day na ng ‘08. haha. AYAW pa. =)) malay ko ba kung bakit. parang hirap mag let go sa taon.hahahaha. weird? bat ba. kanya kanyang DABDA yan denial-anger-baragaining-depression at acceptance. :] masaya ang taon na ito. parang spaghetti ng sexbomb..may pataas may pababa.hoho.
=> aba siyempre! thanks to God for a wonderful year that I have spent. madaming good events ang 2008. may bad din naman..at may mga may bad breath sa taong to.haha. guess who :]
unang unang masaya si 08 dahil “ang debut” hindi siya bongga na ala Kim Chiu’s 18. at di oke yung bangs niya, =)) di ko din na feel na maganda ako nung araw na yun.haha. basta lang. birthday ko. bat ba? :] di ko din naman na feel na maganda ako nung pinanganak ako e. so ayos lang yun!haha ayun. madaming gifts. weee. sobrang dami na hanggang ngayon.di ko alam kung saan ko ilalagay. nako.panreregalo ko lang ulit yung iba.*Evil laughs* naman kasi… di ko magagamit lahat yun noh. :] ang gamit na gamit lang e yung isang box ng panty!hahaha =)) xempre yun naman yung lagi kong gamit e. can’t live without.! e yung mga nababasa ko sa interbyu sa magasin..I can’t live without may cellphone daw. nako! di nagpapanty!kinky!!haha =))
okay din ang taon nato. kasi ito yung pumayat akong muli. looking wow feeling wow again!haha =)) kaya nga pinipilahan na ako ngayon.hahaha. parang lotto na ako. pinipilahan para makuha yung jackpot!hohohoh =)) YABANG! iba ka girl!hahaha. hayaan niyo na ako. para buong taon akong may self confidence, :] dumami dami ang mga unknown species na pilit humahanap ng romansa at nanghihingi ng number ko,. di ko nga alam kung maganda ba talaga ako o mukha akong cheapipay.haha. lalo na pag simbang gabi., parang pinipilit ako ni papa God na kumuha ng lalalki. ayoko naman kasi mukhang may Third eye o nag dedeliryo. sabi niya “pwede daw bang makuha yung number mo? sabi niya” *tuturo sa kawalan. wala naman talagang tinuturo.* natakot lang ako e. parang he see dead people.haha. ayaw ko nga ng ganun.. turo ng turo. baka ano masundot.haha =))
ayun. siyempre masaya ang taon na ito dahil kay labs.hoho. kahit na alam kong hirap na hirap siya sa mga mood swings ko kahit wala naman akong mens.haha. na minsan feel lang ng katawan ko magdrama.hoho. ayun. napasaya niya ang almost half of my year. xempre nung june lang naman nagsimula. :] salamat sa mga pampakilig mo diyan. duda talaga ako na nang gagayuma na yun e.haha. sa mga yakap na mahigpit. kahit alam kong chancing lang yun e!haha. =))
madami akong natutunan sa taon na ito. kahit hindi ko dapat matutunan. e natutunan ko.haha. *wink wink*. mga droga. joke. :] oo,.natutunan ko na uminom. sorry mommy. :] at nalasing sa taon na to,dream come true!haha. naging good girl gone bad like rihanna.haha. hindeee. natuto sumayaw!anu berr, :] nalaman ko na lang na may ilalambot pa pala ang bewang na itetch na parang hirap na hirap mag otso otso nun. si lito camo kasi..kung ano anong kalokohan ang alam..(nanisi pa).haha
salamat sa madaming kaibigan na dumating. sa mas malawak na mundo na parang lumiliit kasi yung friend ko friend din ng friend niya na friend din ng friend ko na friend ng friend ng friend nila.haha. basta ganun! =)) di ko inasahan na darating sila sa buhay ko.(drama again). happy sa life. sa succesful life. may mga nawala..pero I hope that they’ll come back. I’ll open my doors. :] salamat sa lahat ng nagpasaya at nagpagulo ng buhay ko. lahat ng ngiti ko.malamang dahil sa inyo. di ko kasi gawain pagtawanan ang sarili ko e. :] SALAMAT NG MARAMI. sa mga nagbabasa ng blogs. sa mga nagiiwan ng mensahe. sa lahat!! salamat pare! :]
pasensiya sa lahat ng mga nasaktan ko sa taon na ito. sa mga milyong milyong kalalakihan na nabasted ko(in my dreams ;]) sa mga nasabihan ko ng masama. sa mga napalakol,nasaksak, at nataga ko sa likod. SORRY. at sa mga nachismis ko. OLA CHIKADORA. haha. patawarin niyo na ako. tao lang. wag na sana humantong sa eksena na pahahalikin niyo ako sa inyong mga paa o sa lupa. :]
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!! :]
pasko na daw. :]/ starbucks for play! =))
December 22, 2008Welcome back!!!
come’nnnnn! welcome me :]
haha,. dahil bakasyon na. tara lets at sulitin ang pagbblog.tutal.wala naman na akong magawa sa earth. :]
PASKO na.!! yeh ba!!!pero di ko feel. bakit bakit? kasi wala akong pera! :] purita na ako ngayon. mahal kasi ng jacket ni hany-my-lab-so-sweet. yakks! di namin tawagan yun. joke time yun. :] e kasi naman. nagpapaka sugar mami daw ba ako?hahaha. e kasi ang dami kong utang sakanya. nahiya ang apog ko. =p hay! makiki-table na lang ako.haha. pokpita. =p e naman. kailangan ko hintayin ang pasko para mambola ng mga ninang at ninong.(sana hindi pa nila naiisip na matanda na ako)
kailangan ko ng peraaaaaaa. nakakainis kasi nag BINGO sa village namin kagabi. hai. hindi man lang ako nanalo. bwiset.isa na lang. bingo na! sayang yung first prize. isang sako ng bigas! bebenta ko sana sa nanay ko para magkapera ako.haha.parang di ako nakikilamon ng bigas dito e noh? =p
sayang at wala akong pera. mamimili sana ako sa Mango! sale pa man din. hay. pag malas ka nga naman. kelan ba kasi ako magiging life of the rich and famous?haha. ASA. :] dapat talaga e pinatulan ko na si papa DOM non.haha.joke lang. kailangan ko yata talaga magpakahirap sa med school para makabili ng mga rich clothes.weeehee.
Pasko pasko pasko! magparamdam ka naman. well, medjo naramdaman ko naman dahil lumalamig ang mundo. kaya nga tinatamad na ako maligo minsan.(hehehe. pero naliligo talaga ako.pramis!maputi pa naman ang kili kili ko oh) wala pa ako maxado natanggap na christmas gift. taghirap na ata talaga. kuripot na ang mga tao.haha XD kakatamad pag bakasyon. kakatamad din pag may klase. haha. paradox!
Nag christmas party nga pala kami. at ang saya!! kumpleto ang pamilya ng aming section. :] oha oha! di kaya ng ibang section yan.haha. YABANG! e totoo naman kasi. :] galing talaga nila officer. at xempre. party yun e! basta may party papatusin. kahit third party?!hehe. ayun. masaya naman. at ang daming pagkain. LAMON to the max. may mga tatoo pa kaming nalalaman sa mukha. Landeee. :] tapos ang daming lasing at nagsuka. BASAG. may mga heart problems e. tinamaan ng pana ni kupido e. =p hay. sinwerte lang talaga ako sa buhay pag-ibig since college at medjo I get who I want. hohohohoh. pero syempre super efforts yun. to da max!whoohoo =))
Sa kalagitnaan ng party. abay umeskapo kami. mga takas.! :] at nagpunta sa starbucks. Susyal! akala mo mayaman.haha. e kasi kailangan na ng kape. 1 am na nun.. at si vyani ay nakabihag ng starbucks employee. starbucks boy!haha. yung tagatimpla ng kape.hahaha. akala mo susyal e, taga timpla lang pala itatawag ko. =p sabi ni kuya tagatimpla ng kape namin. “may pilay ka ba?”… “para ka kasing hinulog ng langit” WAHAHA. humihirit pa si kuya e. naka ng pick up lines! yun yun e. wala namang na pick up. kulangot lang!hehe.
at may bago kaming natuklasan. pag umorder ka sa starbucks..itatanong “what’s the name for the cup?” tapos sasabihin nila pag natimpla na ang mala ginto mong kape na nagkakahalaga ng 100 pesos pataas. “For name“ like “Mocha frapuccino for LOU” naisip namin na palitan like. “Mocha frap for FREE!(name niya ay free)“ hahaha. tinginan yung mga tao.akala nila free. muntik na magka stampede ala wowowee(hahaha. akala mo lahat ng tao adik sa kape e. nag stampede pa =p) meron pa.
“For Ever/ for life/ for reigner/ for head/ at ang mahiwagang FOR PLAY!!hahaha
“mocha frap for play” at hindi ka sasagot at hahanapin ka ni kuya starbucks boy “FOR PLAY?! FOR PLAY?! ANYONE?” hehe. si kuya starbucks…. mahilig!hohoh =p ang polusyon na ng utak ko. tsk tsk. tumatanda na nga ako. patey patey XD
nung christmas party pala ay nasali ako sa mahiwagang hip hip huri!!haha. hip hip?! Huri!!!!! may sarili kaming papi! sayang at hindi ako nanalo! sasayaw na lang ako ng igiling giling! :] kaaliw nga ang aming mga games. may nalalaman pang “Catch my egg” in tagalog SALUHIN MO ITLOG KO. hahaha. benta! isa lang ang partner na nagwagi..dahil nagkabasagan ng mga itlog. =p at ang mahiwagang paper dance na palakasan pala magbuhat ng partner ang laban! buti hindi ako sumali..kung hindi, isang karumal dumal na krimen na ang naganap. :]
pasayahin sana ang pasko ko… penge pera. pautang!hahaha =p


