Home » Archives » June 2008
Live-in partner. =))
June 27, 2008Long time no write. :]
oo. lumayas na ako sa bahay.. nakipag live-in ako sa kaklase ko. Hahaha. =)) masiyadong immoral. baguhin natin.. Nag rent na ako ng studio type na room malapit sa school. at kasama ko ang kaklase ko na BABAE. pero di ko pa sure kung babae talaga siya.haha =)) ayun. so kunware Miss independent. haha. sosyalan. pero di naman totoo. :]
so namimiss ko lang naman ang internet pag weekends. at siyempre ang family ko din. nako.. namimiss nga din ako ng nanay ko e. hinahanap ako lagi.. at ayun. dinadalhan pa ako ng inumin sa kwarto. haw totpul. haha.
Okay naman ang third year. medjo lumalabas na ang tunay na kulay ng nursing.!! BLACK.. my name is rain :] haha. ang hirap na din kaya. nagsasabay sabay lang naman kasi mga quiz e.. so, alam ko lang nmn kung saan ako tatagilid. MED SURG!! lang ya naman oh. napaka hirap naman kasi magpa quiz. TRICKY kung TRICKY! anu beee..
ayun.. so may teacher naman kami sa socio,, isa siyang sister. hmm.. may mga oras na gusto ko siya. pero may mga oras na ayaw ko siya. unang una.. pilosopo kasi siya. e parang hindi tama sa image niya na madre.. pangalawa.. masyado niyang ginagamit yung power niya. e ayoko kasi ng teacher na nananakot. alam mo yung feeling na hindi mo ma-enjoy yung klase.. kasi takot ka. At ayoko ng taong feeling niya e lagi siyang tama.. kasi kanina.. nung nagsasalita siya sabi niya “you know what happen when you’re chemically dependent?” sabay sabi ng kaklase ko “ahh..chemically dependent”. tapos nagsalita na siya na “you’re saying something?.. I know chuva chuva ek ek.”.. hala niligtas na lang siya ng kaklase ko at nagpalusot .. e un lang naman sinabi niya. Awts talaga. rinig na rinig ko e.. nagmagaling nmn ung madre na alam niya daw talaga..hai naku. sabi nga ni sir JV. “the government that governs the less is the best”.. naniniwala ako jan.
yung mga paborito ko kasing titser. tulad ni Sir.Melvin Almonguera nung 4th year high. ako! e funny.. jolly.. kumakanta sa klase.. nakikipag asaran. pero matututo ka kasi gusto mo talagang makinig sa bawat salitang bibigkasin niya. alam mo yun? yung hindi umaabuso sa kapangyarihan ng isang titser.. never pa ako inantok sa klase niya. tahimik kami..pero ung titser yung maingay,haha :]] tapos nagbabasketball pa siya sa blackboard. :] namiss ko tuloy.haha.
Isa pangbagong prof. ay si Sir.Hibek. haha. ang matronang manyakis! hahah. ang manyak talaga nun. pero may point naman siya.. at ginagampanan niya talaga ang gawain ng isang literatura “to teach by DELIGHT” oo. super delight e mamamatay ka kakatawa. :] nagtatanong ba naman ng “are you devil in bed?” haha. si Tim.. or mag sabi daw ba ng “Fuck me, bitch” hahaha. adik lang e.. nalaman ko nga na may natitipuan siya na lalaki sa ibang section.. tinatawag ba namang “sex machine” haha. sabaw. :]
ayun.. okay naman ang buhay may dorm. namimiss nga lang ang pamilya at kompyuter. at namimiss ang luto ni inay. awwww.. :] at namimiss ang CABLE. grr. ang pinapanuod namin?? the singing bee!!!hahahah. kurni. BUBOY. buboy-og. kaya pala siya nag host ng the singing bee. haha. kasi siya si buboy-OG.haha
bye bye..
June 6, 2008Mariah Carey - E=MC2 13 - Bye Bye
na stuck na ako sa bye bye ni mariah carey..
I never knew I could hurt like this
And everyday life goes on like
“I wish I could talk to you for awhile”
“I wish I could find a way try not to cry”
stuck na stuck sa utak ko yan. ai ewan. mababaliw yata ako e…….damn. napanaginipan ko kasi siya. ewan ko..
nanaginip ako. papasok daw ako sa bahay namin.. as in kakaiba yung bahay. pero alam ko bahay ko yun.haha. tapos walang gate. american style yung bahay.. tapos ang daming tao na nakapila sa pinto.. e wala akong kakilala.. tapos dumating siya.. lumapit siya tapos bumulong “worthed naman pala yung pag-alis ko e..”
ou ang weird. e minsan ko lng nmn xa nakakausap.. minsan tuloy nagugulo ako. e alam ko nmn na wala na talaga akong nararamdaman. walang urge na makipag usap sakanya. walang kilig factor pag kausap ko siya.. pero parang trap pa din sa past. na kahit wala nmn nangyari noon… na parang siya pa din ung pinaka.. O c’mon. sabi nga ni dru.(sa stat na niya lang.. kukopyahin ko) “Life’s simple: we make choices and never look back” :] sinong mag-aakala na may mapupulot ako sa taong yun.hahaha.
sa una talaga yung naiisip ko sa kantang yan eh yung lola ko. kaya naiyak ako nung una kong narinig. e kasi sabi niya “this is for my peoples who lost their grandmothers.” ayun.nag emote na ako.. malay ko bang mapupunta sa kanya yung ibang meaning, sa lalakweng un.
basta ang alam ko: masaya ako na dumating siya sa buhay ko kahit madaming bad memories. at least hindi natatalo yung super daming good memories.. masaya ako sa ngayon. :] on separate ways. sadyang hinihintay ko lang yung tao na hihigitan yung mga nagawa niya. e hindi din siguro ako masisisi.. sabi nga ni vianney “sabi nila..lagi mo daw ico-compare ang first love mo sa mga dadaan sayo”.. haha. mukhang totoo nga. siguro lagi siyang magiging basis ko.hahaha. :] masaya kasi kami noon..wala kasing commitment tlga. parang crush niyo lang ang isa’t isa.. tapos tingin niya sakin lalakero. tingin ko sakanya babaero/bakla/hindi talaga ako gusto. haha. weird story.
naalala ko lang.kasi laging may nagpapa-alala e..parang pinipilit ako..anu beeee. siyempre di ko nmn sasabihin na wag niya ipaalala..ayoko nmn isipin niya na bitter ako o kaya na hindi ako maka move on. naka galaw na talaga ako. at masaya na ako sa friendship. :]
isa pang gusto kong line:
I thought you were so strong
That you can make it through whatever
It’s so hard to accept the fact you’re gone forever
haha. hindi talaga ako bitter.. sadyang parang ayaw ko lang paniwalaan na pinag aksayahan ko siya ng oras dati.. pero hindi niya kayang lumaban,. sabi nga ni pol “kung gusto ka talaga niya.. babalikan ka pa din nun” e niayay ko nga eh. hindi nmn bumalik.hahaha. :]
pero para naman sa lola ko.. naiyak ako nung narinig ko yung:
And soon as you reach a better place
Still I’ll give the whole world to see your face
And I’m right here next to you
It feels like you gone too soon
namimiss ko na yung pagbabalat niya ng orange sakin habang nakaupo ako sa lamesa.. yun ang pinaka matatandaan ko kahit lola na ako.. ang sweet kasi nun. binabalatan niya talaga ng todo todo. yung wala yung manipis na balat,. anu ba kasi tawag dun. ung parang extract na lang talaga matitira.haha. anu ba kasi yun..? hirap i-explain.
** hindi nmn ako mag susulat ng ganito kung hindi ko siya napanaginipan e. lecheng panaginip.. nanisi pa e.haha
Music.=>piano.violin.oboe
June 1, 2008 <— Grand piano nila dru. :] hai. ang tagal na nung huling tugtog ko.. 4 years?haha. tinamad kasi ako e.. malay ko ba kung anu nangyare sakin. e ngaung linggo, ginanahan nanaman ako. salamat sa isang tao na pinilit ako manood ng isang palabas. dahil sa palabas e na-inspire ako tumugtog..thanks J. good friends na kami ngaun. wala ng iba. feeling pianist din kasi ung batang yun. yun yung common interest namin kaya nagkakasundo kami sa ganung bagay. Dahil kay noda megumi-chan, gusto ko matuto mag piano ULIT. oo, ulit..kasi nakalimutan ko na yung ibang piece ko. pero this day, natapos ko yung “eternal flame” na dati..hindi ko matapos tapos.haha. tamad e. :]
at tinatapos ko na din yung THE GIFT ni Jim brickman na paheram lang din sakin. :] kinakabisado ko na lang..kaso mahirap talaga magkabisado.. di ko kaya tumugtog ng walang piece sa harap ko.haha. nalilito kasi ako e.. medjo mabilis naman ako magbasa kaya naguguide ako ng piece pag tumutugtog..
nais ko kasi bumili ng violin e. yun yung gusto kong pag-aralan ngaun..e kaso, bago kasi ako mag-aral ng ibang bagay, gusto ko medyo magaling na ako mag piano..kaso hectic na yung sched. ng 3rd year kaya hindi ko alam kung makakapag aral ako ng violin,. at wala din akong pera para mag-aral nun.haha. xempre auko i-asa sa parents ko yung gastos sa mga gusto ko lang gawin. :] mag-iipon ako. at baka maisingit ko sa sched.
may kakilala ba kau na nagbebenta ng violin? pwedeng second hand.basta in good condition..dapat kasi mura lang.haha. baka kasi hindi ko maituloy. sayang ang pambili.hahaha. e tamad tamad ko pa naman. :]
nagtataka ako kung bakit may mga tao na hindi mahilig sa classical music. parang ang taas nga ng tingin ko dun e. parang yun yung highest level na kayang marating ng isang instrument.. parang yung instrument yung mismong kumakanta. ang sarap sa tenga. haha. nagddownload nga ako ng mga beethoven,mozart at rachmaninoff. :] gusto ko pa ng chopin,bach at schubert. haha. :] adik. ngaun ko nga lang narinig yung tunog ng OBOE..grabe ang ganda ng tunog. siguro kung may ganun sa rockband, HANEP ang dating. kaso maasikaso yung oboe. kasi may reed pa na ikaw mismo yung magtatabas tapos may babad sa tubig pang nalalaman. :] pero ang lambing talaga sa tenga. :] WATCH(a must):
parang gusto ko tuloy ng oboe.. kaso mahirap gumawa ng reed. =)) wag na lang. baka pumalpak lang ako. :]


