Home » Post Item » ang malungkot na storya ng aking pinsan..(trust)
ang malungkot na storya ng aking pinsan..(trust)
May 5, 2008The first generation
Masaya talaga ako kapag kasama ko yung mga pinsan ko. actually yung iba e pamangkin ko.pero dahil almost same age kami, pinsan na din turing ko.. so friday to saturday ay magkakasama kami. e actually kaunti na lang kami. kasi yung iba nasa london kasama na dun yung isa kong kuya.. yung iba sa states.. e kasi tatlong set talaga yung magpipinsan at pamangkins.. second generation ako kabilang. yung mga kuya ko naman, siyempre sa first. tapos yung third..mga ages 3-13 yrs. old yata ung mga nandun..
dahil mga dalaga(yesss.!) at binata na ang nasa second generation at kaunti na lang ang natira sa first.. nag cocombine kami para masaya.haha. ayun. nagkekwentuhan kami.. mga this year lang kami naging supeeer close sa mga first generation cousins.. nag share ng lablayp at sari-saring kwento. :O
super gulat nga ako nung malaman ko na yung isang pinsan ko. itago natin siya sa pangalang "kuya emo" haha. eh di siya masaya sa buhay niya.. sabi niya. mas gusto nya nga na di siya nabuhay. WTH!(dobolyutietch! yan ang uso samin,hahaha),. watda. di ako makapaniwala.. superduper lungkot niya naman. so yun pala.. isa siyang tao na di naniniwala sa taas. walang faith.. at wala nga daw siyang ibang pinagkakatiwalaan.. mga kadugo niya lang daw.. actually, pettish ang first time na nawalan siya ng trust.
grade 2 daw siya at nakipag rambulan. nakipagbatuhan..tapos pagtingin niya daw sa likod niya,
wala na yung mga kalaro niya.. iniwan siya mag-isa sa gera. ayun, nabutas yung mukha niya ng bato.
Lumusot nga daw yung daliri niya sa pisngi niya e..(cool.haha) pero pettish. kasi mga 7 years old pa lang yun..naduwag lang yung mga kalaro niya.. syempre di naman lahat e kasing Maton niya.. ayun.. tapos marami pang pagtatraydor ang nangyare nung tumanda na siya..
isa ako sa mga taong nalulungkot sa walang pananampalataya.. gusto ko lang na maniwala sila kaya inaalam ko ang mga dahilan at nageexplain ako..gusto ko kasi ibahagi sa kanila yung feeling ng may faith ka. pero ayun..mahina akong tupa. hindi ko kaya na kumbinsihin sila. nalulungkot tuloy ako. parang feeling ko wala akong kwentang katoliko(nagdrama daw ba.haha.pero totoo nga.).. e ayun. parehas daw kami ni kuya bebek ko(fave kuya ko.labs na labs ko to) pero mas magaling sakin si kuya bek..hai. nung napag-usapan tuloy yung kuya ko..di ko naiwasan umiyak sa harap nila.mukha tuloy akong tanga. kasi namimiss ko yung kuya ko..e dapat talaga di ko ginagawa na magdrama bigla.. e hindi mapigil.. :O
e ayun. nag-inuman sila. e dahil di ko talaga trip uminom kasi mapait.. at auko lang. pero binigyan pa din ako ng tito ko(bartender sa london) ng hinalo niyang drinks.. voila!may cali na akong iniinom. msarap. lasang cali!haha. naka dalawang baso ako. hindi kasi siya mapait. actually matamis siya..e alam niyo naman cguro ang lasa ng cali. :O tapos bumisita dun yung mga opis mate ng pinsan ko…nag sharade kami.. haha. 15-14 ang score.talo kami!! kasi nmn. grrrr.. rawr.haha. pero ako ang nanalo na best actress!haha. di ko alam na magaling pala ako sa sharade.:O
ayun pa pala. 5am na ako nakatulog nun.at kagigising lang ng bespren ko nun.. aswang yun e. pero mga 3:30 pa lang e nakahiga na kami ni geng-geng(pamangkin na halos kasing tanda ko na)..nagkwentuhan pa kasi kami..op kors.lablayp nanaman!haha. ang hilig nun makinig sa lablayp ko..e paulit ulit lang naman yung mga kwento ko. :O mukha daw akong malungkot habang nagkekwento.haha. siyempre sa dami ba naman ng mga lalakwe.haha. malungkot nga cguro ung mga nangyare. pero wala na akong balak ibalik pa..ginawa ko na dati. it failed. at nabubura na siya.. mga 10% na lang. naktext ko pa siya nung weekend pero wala na talaga ako nararamdaman e. ala-ala na lang. :O
Guess kids daw(mula sa first generation yan)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




