Home » Archives » May 2008
mandarambong :]
May 30, 2008enrollment namin nung may 29. and.. NOT OFFICIALLY ENROLLED pa ako. ka-asar naman ohh.. sa june 04 pa ako mag-eenroll. kainis nmn kasi ung educational plan ko..ang gulo eh.
aun, so nagdala pa ako ng cheque kasi nga hindi ko alam kung gaano ba kalaki yung sagot ng plan ko.kung 100% ba na babayaran ung tuition fee. eh..dahil nga di naman ako nakapag enroll e umalis na lang kami,
e ayun.. pumunta kami ng SM pagkatapos ng enrollment at kumain sa BK. nilibre ako ni pio.haha. ambaet na bata. anyway.. nung pauwi na ako. dun ko lang naalala na hindi ko na hawak ung brown envelope ko.(may lamang cheque un e! wala pang sulat..pirma lang) hala. tumawag na ako agad sa bahay na ipa-block ung cheque. baka kasi i-withdraw un e. nakooooooo pooo. auko na nga umuwi ng bahay nun. maglalayas na dapat aku e. takot kasi ako..nako pagagalitan nanaman ako niyan. sangkatutak na away nanaman to,.haha. :]
Hala! ang bilis ko tumakbo. nagkanda tapilok tapilok na ako. eh kasi nmn naka heels nmn ako. jusko maawa.. tapos nakalimutan ko magbayad ng pamasahe sa jeep!! hahaha. e naawa nga ako sa driver nung naalala ko e. kasi naman 8 pesos din yun.tsaka mamaya isipin niya..isa akong mandarambong!haha =)) aun.. so inisip ko kaagad si pio.baka kasi nasakanya. e anak ng tipaklong. sa bundok yata nakatira un e.. can’t be reach lagi, naku. talaga. nangiyak ngiyak na ako kakahanap. naluka na ako! luluha na talaga ako ng bato(exag).. pinagtitinginan na nga ako kasi para akong nalosyang na.haha. kawawang bata..
at ayun.napag-usapan pa yung pagiging BRAT ko. e hindi naman kasi ganun lahat e..ako lang yung ganun sa magkakapatid. e kasi nag-iisang babae na nga, bunso pa. tsaka yung panahon pa na inilabas ako..e may kaya na yung pamilya namin.. tipong malaki na yung bahay namin tsaka madami ng ipon..kaya ako yung napagbuhusan ng luho.. e hindi kasi ako nagcocommute ng papuntang UST. kung gagawin ko man yun. jeep ng kaunti tapos Taxi na.katamaran talaga. tapos lagi pa ako nag kukunwari na male-late na ako kaya dapat ihatid ako..haha. sinungaling na bata. tapus magdadrama ako pag di pwede.. alam mo un. napaka brat.
at LAGI AKO NANGUNGUTANG. haha. naiiwan ko kasi yung baon ko e. kasi naman hinahatid nga ako kaya minsan nakakalimutan ko humingi,.,e ang tanda na din ng parents ko para maalala lagi. so ayun.. minsan nga umaalis ako ng bahay na walang pera tapoas papasundo na lang ako. e kasi walang problema sa tawag.. naka post paid pa kasi ung phone ko. so luho kung luho yata.. :]
ayun.. feeling ko nga parang naiinggit ung kapatid ko sakin..e ayos lang.pag naman nag-aaway. siya lagi panalo. e paborito naman siya ng nanay ko. e ang lakas makipag-away nun e! dun ko yata nakuha ang debating powers ko.haha :]
Trauma..
May 28, 2008
sabi ko nga sa mga lumang post ko.. ‘nasunugan’ kami.. sa office. xempre sinasabi ko na ayos lang kami. kasi ayos lang naman talaga..wala nmn maxado nagbago. pero parang hindi din. ay ewan..
nakakalungkot lang kasi na madami din nabago. minsan mo lang masilayan yung daddy ko. kasi nga busy sa trabaho,. dati. mga 4 days a week lang yun pumapasok.. ngayon, ultimo linggo. nagttrabaho siya. leche. nakakapagod siya tignan (haha. oo. napagod ako sa ginagawa niya. ewan ko kung bakit)..
isa pang nagpapaiyak sakin.. EVERY 2am,.oo.madaling araw.. Nagigising yung tatay ko. nahihirapan matulog.. yun kasi yung oras na ginising siya ng kuya ko para sabihin na nasusunog yung office..hatid ng trauma. nakakaiyak isipin na parang hirap na hirap siya.. napupuyat tuloy.
nakausap nga namin yung driver/worker dun sa office ni daddy. si kuya alison.. nagkwentuhan daw sila ni daddy ko kagabi, ayun. naluluha nga daw e. kasi parang nahihirapan. (naiiyak na ako……..) basta. e un lang nmn kasi mahirap e. pag nakikita mo na malungkot yung mga mahal mo sa buhay.. ehh., ang cheesy ko na..
sabi nga nung emcee/helper ko sa birthday ko.. ang bait daw ni daddy ko. kasi magbebertday pa din ako kahit nagkakasunod-sunod ung problems. hai.. lalo ako naiiyak.haha. tapos aun. kahit binubully ako ni kuya ko..supportive siya sakin. sabi niya "e nag-iisang babae naman yan e". ohh. totpul! sabi nga ni kuya.. nung pumunta sa sunog.. umiiyak pala si daddy. nako pooooo. buti wala ako dun. baka umaatungal lang ako. e kasi nga diba.. sa mga ganung panahon.kailangan kong maging matatag.. kasi baka kahit papano..makakuha sila ng lakas ng loob sakin :]
wohoho. the drama. i hate it.. anyway. at least we’re strong. well.. minsan lang nmn ako umamin na madrama ang buhay ko. auko kasi intindihin ako maxado ng ibang tao.. e parang ang weird kasi ng feeling nun. basta. masaya nmn ako sa buhay ko ngaun ahh.. un nga lang. part na ng buhay ung drama. di na maaalis un. :]
A love story of a trash…..
Don Henley & Patti Smythe - Sometimes Love Just Ain’t Enough
trash can. Bow :] ito ay isang istorya ng tatlong tao (este..basurahan).haha. si Blue T. si orange T at si Green T. pero sa likod nito ay isang malalim na mensahe.(kunware).. based on a true story.hahaha =)) "sometimes love just ain’t enough"
read the story: :]
sa scene: ipinakilala ni blue si orange kay green..at umalis si blue dahil may pupuntahan pa ito
si "Blue T" ay in love sa kaniyang girl friend na si "orange t.".. at mahal din siya nito. pero nalulungkot si orange t. dahil madalas na walang panahon sakanya si Blue t.. madalas silang nag-aaway dahil sa sobrang busy ni blue.. lagi na lang pinapadaan ni blue kay "green T." yung mga regalo o mga pagkain para kay orange..nagbilin ito na alagaan si orange habang wala siya..
NEXT SCENE: madalas magkasama si orange at green..sharing ng stories.. lingid sa kaalaman ni orange..nagugustuhan na pala siya ni green.. pero Bawal na pag-ibig. :] (playing: Tukso- O tukso layuan mo akooo.. )
Pero sila ay naging mapusok.. at sinubukasn nila ang BAWAL NA PAG-IBIG.haha =))(song playing is: ay ay ay pag-ibig.. nakakakilig- ara mina.haha)
At as Usual..ang normal na telenobela ay: Oo, Mahuhuli sila.hahaha. =)) (playing: sinaktan mo ang puso ko- michael v. pinukpok mo ng martilyooo..binuhusan mo ng asido..sinaktan mo ang puso koooooo.)
Walk out na si blue. di niya na kaya manood ng kalaswaan na ginagawa ng Gerlpren niya (playing: di ko kayang tanggapin- april boy regino.. na mawawala ka na sa akin.. napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akin.. :])
at ayun.. naisip ni gf.. na mahal niya pala talaga si Blue.. kaso.. ayaw na siya balikan ni blue. wala na ang trust.. i guess.. kahit mahal nila ang isa’t isa.. they have to go on separate ways.. :[ (MATINO NA ANG SONG:playing..: Sometimes.. love just ain’t enough. there are reasons why people don’t stay where they are.. baby somwtimes, love just ain’t enough. :[ ).
lessons:
- don’t cheat. mahirap mawalan ng tao na nagtitiwala sayo..
- Wag kang maging third party. malay mo..iiwan ka din niya..
- magbigay ng oras sa taong gusto mo.. baka mapagod siya kakahintay sayo..
- wag kang umaligid sa taong malungkot.. baka hanggang crying shoulder ka lang…sinong kawawa?..
naisip ko lang yung LOVE Just ain’t enough.. kasi may EX si kuya. na maaring maging future prof. ko ngaung third year… at halata naman na gusto pa nila yung isa’t-isa.. pero di sila nagkakabalikan.. ewan ko kung pride o ano.. hindi ko alam ang issue. pero ang weird talaga.. halatang mahal pa din nila ung isa’t-isa pero wala talaga e. sadyang ganun.. may ibang bagay pa na dapat isipin bukod dyan sa pag-ibig. :]
But theres a danger in loving somebody too much
And its sad when you know its your heart you cant trust
Theres a reason why people dont stay where they are
Baby sometimes love just aint enough
Babes. :]
May 27, 2008
Oo. nag reyna chuvaness ako. nag feeling glamorous nanaman ako. :] april pa nung nalaman ko na um-Oo ang nanay ko sa coordinator na gawin akong sagala. hindi niyo alam kung ilang LUHA na ang ipinatak ng aking byutipul eyes para ipahiwatig sa nanay ko na ayoko nga sumali dun.. e hindi daw pwede kasi kinuha na ako dahil nga wans upon a time, maniwala man kayo o hindi.. sumali at nanalo ako sa isang pageant samin..haha. nakakahiyang alalahanin.. :] e kasi para sa church un at way of thank you ko un dahil kakapayat ko lang nun.haha. e aun. e ayaw ko nga na pinaparada parada ako. sabi ko dati "kakairita ung mga tao na tumitingin sau.. pag ako napikon.dudukutin ko mata nila".haha. pero di naman pala ganun.. aus lang yung feeling..pero di ako ngumingiti sa mga tao. e hindi naman ako politician e. bat ba. :] hai aun. e hindi na din ako nagtangka na awayin ang nanay ko kasi nalaman ko na wala naman palang partner,. :] e aun. solo flight..so aus lang sakin.. at grabe ung araw na yun. ang daming magagandang gowns at siyempre mga girls (di ako tibo) haha. pero may kaunti din naman na hindi maganda..
e nako. nakawawa nga ako kasi late dumating yung arch ko. akala nila sumingit lang ako sa parade. haha. sabaw. at buti sila kuya ko yung nandun sa likod ko. e ang daming taong bastos.. tinawag pa akong "babes" e saksakin ko kaya sila.. unang-una. it reminds me of babe in the big city.ung movie.. ung baboy!hahaha =)) tapos bastusan talaga un..at may mga tao pa na wala yatang magawa sa buhay at pipiktyuran pa kami. e yumuyuko nga ako. malay ko ba kung ano itsura ko dun..mamaya ilong ko lang pala pipiktyuran o kaya kuko ko lang.haha.
e naaawa din ako sa mga bata. kasi pag ganun nga..hindi ako people person. e may mga bata na tinatawag ako. kasi nga may nakalagay dun "reyna caridad".. sabi nga ng kaibigan ni kuya "ito ohh. hindi ngumingiti. tinatawag ka ng mga bata".. aun snob. haha. e kasi ano nmn gagawin ko sa kanila.. wala nmn akong balak na sundan nila ako e.
pero dahil hindi ako nagpapapiktyur sa kalye.. nagpiktyur na lang ako sa kwarto ko.haha. =)) Vanity nga e. :]
Cook Vs. Archuletta.. =)
May 21, 2008
I love david cook when he sang "always be my baby".. :]
pero Magaling din si archuletta.. maganda yung boses niya. at xempre, ang galing niya pag ballad.
si cook. Pitchy..ang garalgal ng boses, kaya go na go talaga sa rock. magaling sa arrangement ng music..parang pag haharanahin ka ni Cook.. mapapa head bang ka e!hahaha. totoo. hindi ako manlalambot na parang "awww".. mapapa high five ka lang at sisigaw ng "HoooOhh yeah!".
ang hirap kasi super iba ng reaction..pag kay archuletta: "aww..ang sweet" pero pag si cook "OMG. HOT!" kaya ang hirap tuloy mamili.. anyway.hindi nmn ako makakaboto. hindi ako american..so wala ang problema jan.
e nung narinig ko kasi si cook na nag ballad.. ung ‘music of the night’..e gusto kong ilipat yung channel.hahaha. e nung nag ‘with you’ nmn c archuletta. gusto ko basagin yung tv.hahahaha =))
hai pero kung hindi kasi marunong mag arrange si cook..if ever na parang star in a million lang yung show..mananalo siguro si archuletta.. e makikilala mo ba c cook kung hindi niya iniiba yung arrangement? if ever voice talaga ang laban? I doubt.
Pero Tingin ko maraming may gusto kay cook. e hello naman? 2008 na. sino na ba mga gusto ng tao ngaun? Maroon5, rihanna, chris brown,. at yung mariah carey na hindi "hero" ang kinakanta..kundi touch my body.haha… sa local? mga callalily(ugh,.auko dun)..ung sumisigaw na spongecola(ayaw ko). ang chicosci(ugh,isa pang ayoko).. kaunti na lang ang may gusto kala rachelle anne go,xtian bautista,erik santos..ung tipong ballad talaga. :]
aun. pero kahit sino manalo. di naman ako bibili ng album e.. magddownload lang ako sa limewire.hahaha. :]






