Home » Archives » February 2008
Ay malas na buhay to. huhu.
February 27, 2008Bakit wala akong pasok ngayon?! huhuhu…
ngayon pa man din ako inalok ng Long-time-ago-crush ko. huhuhu. iiyak na lang ba ako?
nagtext siya kung pwede daw ba ako ngayon.. e nasa bulacan kaya ako.. e late ko pa nabasa yung text niya. wahhh. hindi daw xa makaalis ng school kasi hinintay niya pa daw yung reply ko. hehe. haw swit! haw totful haw goldilocks.
E 48 Years na yata kaming hindi nagkikita e!
Wah. magkasama sana kami ngayon. nag last request nga ako na bukas na lang kami magkita dahil wala naman akong p.e.. e malabo naman na pumasok siya ng maaga. :I
ang daya…SAWI nanaman ako.haha. may balat ba ako sa puso? EMO??!!!! haha. :O
awwww,,, namiss daw ba? haha. :O natuwa naman ako dahil naalala niya ako.
the love in us. ;)
February 26, 2008Ever got the feeling that you’re in love?………… with no one. :O
May kakaiba akong pakiramdam ngayon.. parang these days.. masaya ako ng walang rason.. wala naman akong crush. pero tuwing mag-isa ako. nakakaramdam ako ng kakaibang ngiti. parang ang saya saya ng araw. kahit wala naman talaga.grabe. hindi ko alam kung baliw ba ako.. O baka sadyang may ganito sa buhay ng isang tao.. kung tao man akong maituturing.
hindi ko lang talaga maintindihan. parang light ang feeling ko. nababaliw na yata ako e. pero at least. mababaliw ako na masaya. :O Feeling bubbly with no reason at all. nakatunganga lang ako pero napapangiti ako. WEIRD!!
O cge na. mababaliw na ako e. hahaha
Nag perform pala kami sa Gym kanina for social dance. haha. ang kulit kaya. parang medjo nagkalat lang kami dun. kasi ang kaunti ng class namin. Pa-BIDA e. haha. Nag sayaw kami ng jive at cha-cha-cha! e masaya naman ako. feeling glamorous with the make up and the Bubble skirt. haha. kahit na cycling na lang nakikita nila kapag umiikot ako. I conclude: MASAYA KUMEMBOT!! ahaha. lalo na pag madami kang kasama.
salamat kay marimar sa eye shadow ko na green. :O
malungkot ako kasi last P.E. na yung kanina.ABA! I survived!!!! nakaya ko ang social dance. pero malungkot talaga…. hindi ko maisip ang isang bukas na wala na akong P.E…. ang naiisip ko ngayon:
WELCOME third year!!!! Bring it on! :O sigurado ako na paiiyakin mo ako sa paghihirap.. isang malaking krus to!
ang bait ni kuya stranger. ;)
February 23, 2008nag commute lang ako kanina. e medjo gabi na ako umuwi dahil may practice ng social dance for finals. :O
habang nasa FX(actually VAN xa) na ako papunta sa bahay namin. e medjo long way e. from sm north edsa to bulacan.
Maluwag pa yung ibang row ng upuan sa van. mga 3 pa hinihintay. biglang may nagbukas ng van. at siya ay isang matangkad na lalaki,payat,maputi at kalbo.. hindi ko na nakita maxado ang mukha niya e. tapos tinanong niya kung may nakaupo sa tabi ko..e may sumagot na "wala". e nasa bandang gitna yun.edi umusog na ako para madali xang makaupo.kasi mukha nmn xang kawawa kung masisiksik xa.e anlaking tao naman niya. :O
eh may sumakay ulit na babae. e ang laki ng paper bag ko.. hindi siya makaupo ng matino kasi ipit na ipit yung paa niya dahil magkatapat kami. eh ayun. tapos nag offer si kuya na katabi ko na lalagay niya daw sa tabi niya yung paper bag ko parahindi na mahirapan. tapos edi nag thank you na lang ako..
nakakatuwa kasi may PSP xa. e tuwing may bubukas ng pinto ng van e magugulat xa at hahawakan niya yung paper bag ko.baka kasi mahulog..hindi tuloy xa makalaro ng maayos. naawa tuloy ako.. at nung pababa na ako. e bumaba din siya at binitbit pa yung paper bag ko at inabot sa akin.. eh hindi ko talaga xa matignan sa mukha kasi nahihiya ako.. ambaet ni kuya whoever he is.
natawa nga ako ng nagkabungguan ang aming mga braso. ay parang kutis baby. kasing lambot ng pwet ng baby. haha. joke. :O parang manyakis lang sa van e.! :O
natuwa lang ako sa matulungin na stranger na yun :O
TEACHER: kung may 10 akong anak sa unang asawa at 5 naman sa pangalawang asawa.. sa makatuwid, meron akong?
JUAN: Libog mam!.. matinding Libog!
Hahaha. benta! sabaw kasi e. :O
Baduy daw ohh.. hahaha. :D
February 17, 2008natawa ako sa stat nung kaklase ko tungkol sa dalawang kaibigan niya na nag-uusap…
lalake: Ang baduy mo kasi magdamit..!
babae: ANong baduy?! wala ka kasing alam sa style. ito ang uso ngayon! yung labas yung isang balikat tapos may ribbon sa gilid!!
hahaha. natawa na talaga ako! ang kulit kasi na-imagine ko pa! hahaa.
at least napatawa niya ako sa balikat niyang may ribbon.
what’s with my valentines?! :O
February 12, 2008Obviously. i’m single and ready to mingle?. haha.juk. No dates or juwawhoopers or lover or chuva. :O
What I hate about this valentines day? Their giving away my favorite flowers! yup. Roses. deep dark red rose!yun lang!:O
Hindi ko alam kung kailan ko nasimulan ang pagkahilig ko sa rosas.hindi ko din alam kung bakit. pero nakakaramdam ako ng kakaibang feeling kapag tinitignan ko sila(hindi arousal yun!!haha) hindi ko pagpapalit yun sa kung anong bulaklak.kahit tulips pa.. pero ang ayaw ko e nagmamahal siya kapag valentines day. at halos lahat ng kababaihan e hawak yun. e wala lang. possessive lang sa paborito ko.haha. :O
dahil wala nmn akong pagkaka abalahan. ay manonood na lang kami ng mga kaklase ko ng SAW4.! sisigaw na lang ako bukas. ilalabas kunware ang frustration ko.haha. well, ok admitted na medjo malungkot ang valentines ngaun kumpara last year. kasi last time e may hinihintay ako at expected ko yun.haha. ngaun kasi e wala nmn talaga. bakante.. tuyong damdamin nga daw e.haha. :O
nakakainis pa yung nanay ko. kasi nanonood ako ng tv, at namamangha ako sa rose sa tagaytay kasi ang gaganda talaga..parang gusto ko pumunta dun para lang bumili nun at ialay sa sarili ko.hahaha. sabaw! sabay sabi ng nanay ko.: "makakatanggap ka nanaman niyan sa 14?" ok..anag sagot ko na lang.. "hinde. wala naman e." bitter.haha. :O
pero hindi pa nmn ako nakaranas ng totoong date na dinner at may epeks epeks pa e.. muntikan na sana nung hayskul.. niyaya ako ng isang mayaman na kaibigan.(FRIEND lang) ng ganun kabongga. unfortunately. nagkagalit kami..at hindi natupad ang promise niya..
at least hindi ako broken hearted. mas madami pa din na mas lugi sakin! HA-HA-Ha-Ha.! evil! hahaha. ang sama ko e noh. :O para nmn sumaya ako. :O



