Home » Archives » January 2008 » Page 2
masaya sa natagpuan.
January 17, 2008Masaya ako. :O I just found myself doing the things that I used to do.
In fact, ito ang unang araw na pumayag ako ng bukal sa loob na isuot muli ang mali kong uniform. I made a decision to wear my old uniform na inaaway ng mga professor dahil mali daw. may purpose naman e. para ma feel ulit yung ginagawa ko nung first year college pa ako. 2006-207 lang naman yun e. lately lang.
I can’t explain the right words to say. wah. parang tanga lang ako. di ko alam kung paano ipapaliwanag ang aking kasiyahan.
nahanap ko na kasi ulit yung matagal ko ng hinahanap. yung nawawala kong kayamanan. :O yung singsing ko. hahaha. :O ang saya. nagbalik na ang ring ko.. nabigo akong mahanap yun dati e. pero waw! nagbalik. pero ako din ang naghanap. tinulungan lang ako ng ilang mga friends ko para mahanap ulit yun. kaya magpapapiyesta ako!!! pero piyesta talaga samin sa linggo. sto.nino e. sinulog kuno. dahil di nmn kami taga cebu, :O
.. madami pa akong tanong e. pero di ko talaga alam kung nasagot ba. ang weird naman kasi e.
Crush Crush Crush..
January 15, 2008I get a rush.
hai..
Kinikilig ako sa spring waltz.
저는 당신이 그리워요
내가 당신을 사랑
언젠가는 다시는 우리가 같이있을
당신과 함께 지내는 것만으로도 전 행복
o Pilipinas, nalulungkot ako.
January 12, 2008hindi ko alam kung bakit… pero naiisip ko ang pilipinas.
bakit tayo naghihirap?
dahil ba sa ating mahihinang batas?
dahil ba sa ating kapwa?
Isa si Bob Ong sa mga paborito kong author. I mean siya ang pinaka paborito ko. hindi katulad ng rebisco na " iba-iba ang flavor pero lahat ay love ko".. angat si Bob Ong sa puso ko. Ang paborito ko ay ang Alamat ng gubat. tumatatak kasi sa akin ito. at kuya ko ang nagpaliwanag ng bawat simbolo nito. natawa ako sa umpisa ng alamat ng gubat. ngunit nalungkot din sa huli. dahil napatanong ako "ganito ba talaga tayo?"
tumatawid ako sa kalsada. sa may mga puting linya. tamang tawiran..pero lagi ako nakakakita ng mga tumatawid sa kung saan saan lang. BAKIT NGA BA?.. dahil kapag ikaw ay nasagasaan sa maling tawiran, ay hindi mo kasalanan. kasalanan pa ito ng drayber. pero sino ba ang mali? hindi ba yung tumatawid? kahit saan ka tumawid. ang driver ang mali. BALUKTOT yun diba? kaya ano ba ang epekto nito.. edi tatawid na lang sa kung saan saan dahil wala namang multa walang gastos, madali pa.
sabi nga ni vianney, sa singapore daw. kapag mali ang tinawiran mo, magbabayad ka ng multa. at kung nasagasaan ka. ikaw ang magbabayad dahil mali ka. at kung tumawid ka bigla at naaksidente yung sasakyan na naabala mo, ikaw magbabayad lahat, pati poste na nabangga ng kotse. at ang resulta ay disiplinado tumawid ang mga singaporean.
Ang mga sumusunod ay sarili kong opinyon.. ito ay aking blog. aking pananaw.. na gusto kong ibahagi.. para pag-isipan ninyong mabuti.. hindi ako nang aaway. nais ko lang ipahiwatig ang aking sarili.:
bata pa lang ako ay kilala ko na ang U.P. Unibersidad ng Pilipinas.
isa itong isyu kung makakapasa ka.. "MATALINO" ka nga pag pumasa ka dito. lalao na kung manila o diliman. pero para kanino ba ang UP?
ang alam ko. ang UP ay isang eskwelahan para sa mga mahihirap. para sa mga kabataan na gusto mag-aral pero hindi nila kaya. Doon ko nakilala ang UP. isang bagay na para sa mahihirap. isang bagay na mahalaga para sa karamihan. ika nga nila "simula ng kanilang mga pangarap". bakit madaming mayayaman ngayon sa UP? dati ang alam ko mga anak lang ng politician nakakalusot dun dahil may koneksyon..Pero paano ang mahihirap? ANO BA ANG MISYON NG U.P.?
misyon niya ba na mag produce ng ubod talinong estudyante para makilala ng ibang bansa? para ipagmalaki? para masabi lang na "magaling lahat ng nag-aaral sa U.P…" excellence lang ba ang habol nila?
hindi ba mas maganda kung ang magiging misyon ng UP ay pag-aralin ang mga kabataan na hindi kaya pag-aralin ang sarili nila?
Ano ba ang mas dapat bigyan pansin?? ang ubod na talino na mayaman naman.. o ang average student na hindi kayang mag-aral? kung mayayaman ang mapupunta sa UP? saan mapupunta ang mahihirap? sa kalye? magiging tambay? o pupunta din ng U.P. bilang magnanakaw?
hindi ba kaya naman hasain ang talino ng isang tao kung may detertminasyon ito na mag-aral? hindi ba yun dapat ang hinahanap ng U.P.?
kaya ba hindi umuunlad ang bansa? dahil kinukuha natin ang para sa iba? ang mayayaman ay lalong yumayaman. at ang mahirap ay lalong naghihirap. sino ba ang dapat umayos?
GOBYERNO din ba ang dapat sisihin dahil pinapayagan nila itong mangyari? sa tingin ko. Oo din. sana may background check sa UP. para makapag-aral ang mahihirap. maka abot ng kolehiyo. at malay natin. mabawasan ang kahirapan… malay natin… Sana.
bakit ba gustong gusto ko sa pilipinas. kahit ganito ang naiisip ko. sa totoo lang.nalulungkot ako. bothered lang.
baka sabihin niyo ay bitter ako sa UP kaya ganito ako. hindi ahh. UST lang ang test na kinuha ko. it’s UST or nothing ako..
di na bale na walang scientist o kung sino man na makilala bilang matalino mula sa pilipinas.. basta ba madami ang makapag-aral na pilipino.. basta madaming giginhawa.
PIG OUT.
January 2, 2008Dec 31 at JAN. 1 ..hala! ako ay umasta na isang baboy. wala. kinain ko lahat ng ihain sakin! hahaha. lechon na lang kulang e piyesta na talaga!!
ako ay naging refigerator ng pagkain. "nako.baka masira na to.. ilagay sa ref.. yum yum yum"
hindi ako makapaniwala na may pasok na bukas.. ayaw ko pa pumasok..
nga pala. may achievement ako. sinubukan ko maging bad girl epeks. tipong ka love team ni robin padilla. edi tumatagay yung mga pinsan ko.. umupo ako at mayabang na nagsabi.. "ikuha niyo nga ako!!…… light lang" hahaha. at napaka galing ko. naubos ko………………. hanggang leeg lang ng bote. hahaha. sabaw!! wala daw akong kwenta. hahaha.. :O
at nagpahula ako after. for fun. nakaktawa.. makakapag abroad daw ako. weellll… gudbye doctor. nars na lang talaga ako! hahahaha. :O para mabigyan ko ng datung agad si inay. :O at sabi niya :
-
"MASUNGIT KA.. STRICT SA LALAKI"
hahahaha. sabaw! tama naman siya. haha. maaaring hindi ako choosy tulad ng iba jan. ehem ehem ehem. :O pero kapag may thing na.. wala. hinahanap ko kung ano ang gusto ko. tipong what I want, I should get. therefore, hindi na ako mag-aasawa. career woman na lang ako. hahaha. tapos lalande ako kapag day off. :O
"makulit daw ako"…. pero good thing daw. hahaha. alam ko na nakakamiss ang makulit. :O sabaw!



