Home » Archives » December 2007
new year message.. :)
December 31, 2007para sa mga readers ko jan:
This new year:
may you be showered with boys
or be showered by boys
or be with boys in a shower..
basta ba maraming boys at maraming shower. pwede na!
hehe.happy new year.! napaghahalataan ako.
![]()
happy new year guys!malas daw ang horse dis year!
damn rat!
ano ang gagawin ko ngaung patapos na ang taon: GAGAWA NG ASSIGNMENT. para masipag ako buong taon. :O bawal ba umutot ngaun? baka kasi maging ututin ako buong taon e.hahahaha. at sabi nila. pag mabaho ka ngaun. mabaho ka buong taon. ang dami naman nilang sinasabi. :O
hai may isa akong hindi nafulfill. amp. ang malasing! haha. curious na talaga ako kung anong itsura ko pag lasing. hahaha. iihi din ba ako sa kung saan? o kaya e magiging best actress sa pag-iyak? o mapupunta ba ako sa kulungan dahil magwawala ako? o kaya ay sasabunutan ko yung ka-inuman ko?o kaya ay mang rape ng aso? yakkkk!! hahaha. sabaw. sayang. hindi talaga ako drinker e. hindi pa ako nakaubos ng isang bote. actually. hindi pa din ako naka kalahati.. balak ko nga sana e ngaung dec.31..kaso wala naman akong kasamang tumagay dito..
sayang. magiging rihanna sana ako. "Good girl gone bad!" hahahaha. :O
dibale na. next year na lang ako iinom. kasama ko siguro dun e mga prends na hindi ko makikita ng mahabang panahon. para lusot ako sa kahihiyan/.haha.
magpakabusog tayo ngaun! babawi ako. dahil nagkasakit ako. lalamon ako ngaun! wahahaha. the revenge to!
may madrama akong song. wala lang. maganda yung boses nung babae.pampatulog e.. e kung EMO ka.baka basain mo yung unan at kumot mo. mamaya lumagkit pa sa sipon mo.haha
Taylor Swift - Tear Drops on My Guitar
I feeL hot!! hahaha. ;)
December 27, 2007"mommy, I feel hot"
"You are hot!"
ooooooooohhhh……sssss… BURN!haha. :O
Nagising ako na masama ang pakiramdam.. nilalagnat ako!! huhuhuh. e umuwi pa man din ako ng province. naging KJ tuloy ako.. amp. ayaw naman kasi ako iwan dahil nag-aalala si mama.. NAKS! haw totpul haw goldilocks.
so..buong araw akong natutulog., waw. patatabaing baboy lang. medyo wala akong gana ngaung araw. nalalasahan ko pa din ang pait ng gamot..yakkk!! amp. :O pero masaya pa din ako ngaung araw na to..at kagabi! hahaha. thanx…. starbucks.hahahaha. :O
"5 na lang load ko. di pa ako pinapasahan ni mommy e."
"nasaan ba mommy mo? ayos ah.. spoiled brat! mama's boy ka noh!!"
"sira! ikaw yung mommy ko. sugar mommy!!hahaha. pasahan mo nga ako"
hahaha. ang kapal.gagawin pa akong bakla… :O sorry na lang xa. hindi ako nauuto. kuya ko lang pinapasahan ko ng load..amp. di ko pinangarap maging sugar mommy.kadire hah.haha.
—– dahil concern ako sayo..papakainin lang kita ng fries. baka bumilog ka lalo. ako pa sisihin mo.——–
HELP naman. ano ba i big sabihin ng sabaw?? haha.ayup na tanong yan.wala akong masagot. "sabaw ako"
Funeral of a friend’s father.
December 25, 2007my friend is a classmate of mine.
he's sweet.
he's kind.
he's funny.
matagal nang bedridden ang tatay niya.at alam na hindi na siya magtatagal.. nalulungkot nga daw dahil hindi pa umabot sa graduation ng kaklase ko..
nalulungkot ako. dahil hindi ko alam ang tamang gawin.. paano kung mali ang nasabi ko..actually e hindi ko na din alam ang nasasabi ko. i can't find the right words to say. I'm sad. para akong isang walang kwentang nilalang. hopeless. kaso dalawa lang kami nag-uusap. kung hindi ako magsasalita. DEAD AIR. ang weird. malungkot pa. puro na lang dead. e awkward. so I tried to talk.. Nag sorry nga ako.kasi pumunta ako sa funeral pero hindi ko nmn alam ang dapat gawin. hindi ko alam kung paano siya icocomfort. hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin ang pakiramdam niya. o ibahin ko ang topic.. Para akong tanga dahil wala akong alam. natatanong ko tuloy ang sarili ko na "BAKIT hindi ko alam ang gagawin?"
weird. I'm trying to make him laugh pero sinasabi ko na "be strong. but It's ok to cry..kung nabibigatan ka na.iiyak mo muna kahit kaunti" and I told him na hanga ako sakanya. kasi he's always happy. sabi ko nga "lagi mo nga kami binibigyan ng panandaliang aliw".. am I weird.?pilit na pinapasaya ko kasi siya.
nung umalis ako. nag txt ako "sampolito, sorry,dahil hindi ko alam kung paano ka icocomfort. Seems like I can't find the right words to say.. hindi naman ako marunong magbigay aliw.haha."
nag reply siya. "Your presence is enough to comfort me,kahit walang aliw..paki sabi thank you sa parents mo"
sabi niya. "I'm a regretful person.. I could have been a better child. I wish I did………….." sabi ko.. "mabait ka.. mabait ka. napakabait mo nga sa lahat… nakkatuwa ka pa. mabait ka talaga. hanga ako sayo..kahit itanong ko pa sa nanay mo kung mabuti kang anak.. isasagot niya ay oo"
wah… omaygulay. hai. nairita nga ako sa kuya ko.pinipilit niya ako na wag nang pumunta.sobrang galit ko e,naiyak ako.kasi naman,. kaunting oras lang hinihingi ko. hindi niya naman kasi alam na napaka bait nung tao na dadamayan ko e.. 5 times na mas mabait pa nga sakanya kung tutuusin e. nag tiger look talaga ko.tapos sinigawan ko siya sa harap ng mga tita ko at girlfriend niya na "napaka sama mo! puro sarili mo iniintindi mo! kanina nga nagpahintay ka pa e! yung ugali mo ang sama sama!" grabe. mabait lang siya sa gf niya! nabwiset talaga ako…
hai.natawa na nga lang ako nung pauwi na.. kasi bago bumaba yung gf ng kuya ko.sabi ni mommy.:
"O.iuwi mo tong suman"
GF:"thank you po"
Mama:"gusto mo ng talbos ng kamote?"
GF:"hindi na po"
MAMA:"e talong?"
hahaha. parang namalengke lang yung gf ng kuya ko.adik talaga si mama. probinxa na probinxa ang dating!hahaha. :O
Dec 23 and 24 is one of my fave days pa namn.. someone told me "Wag ka na ma-sad hah. :O" sooo.happy… pero weird feeling ngaung 25. di ko kasi nakausap.–ano bang ginagawa natin?..edi naglalaro!—hahaha.
Christmas na nga!hahahaha. ;)
December 23, 2007KINIKILIG AKO;… hahaha. yun lang. hahahahahaha. wah.di ko na kaya.. haha. PaSko na nga.haha. ayos na regalo to. thank you.. Hehehe. :O
Eroplanong papel..
Napapadalas ang pag-uusap ng pamilya namin tungkol sa aking future.. (haha.planado?) medyo napapadalas din kasi ang pagbanggit sa salitang "Doctor" e. hindi katulad ng ibang bata, mataas na agad ang pangarap ko. yung kapit bahay kasi namin..kapag tinatanong namin kung anong gusto niya paglaki niya..ang sagot niya. "Basurero po"..minsan nag-iiba, nagiging bumbero.haha. mababaw nga. tulad ng mga kakjlase ko na hanggang cashier girls lang ang gusto.haha. wala silang magagawa, isa akong ambisyosang bata., :O
kagabi napag-usapan na dapat daw talaga ay mag med. ako.. at nagbilang kami ng ilang taon..kung kailan ako gagradweyt at kung anu-ano pa.. e kanina napag-usapan na ang isang sem sa UST ng med. ay 86 thou. sabi ko.. ang bigat sa bulsa, kakayanin ba yun? ilang taon na ganun kalaki.. sabi ng mama ko:
"basta kakayanin mo, makakaraos tau.. sabi ko nga sa kuya mo nung nag pipiloto siya, kahit ilang milyon basta kakayanin mo"
NA-TATS ako sa sinabi ng nanay ko. maluha luha na nga ako e.. tutulo na nga ang sipon ko sa mga oras na yun. buti na lang kumakain ako nun. pangarap ng kuya ko ang maging piloto. sa kwarto niya.maraming eroplano na display.iba-ibang klase. iba-ibang size. naiisip ko na siguro nung bata siya. napaka dami niyang ginagawang papel na eroplano. yun siguro ang hilig niya. kaso natakot siya na di niya makukuha ang gagastusin para sa flight practice niya. kaya tuloy tumigil siya. tapos nagtrabaho na lang. at mag-iipon daw muna xa para xa na lang magbabayad ng ipang aaral niya. hindi ko alam kung gusto niyang ituloy yun.. pero masaya yun diba makakasakay ako lagi sa airplane.. naalala ko yung isa kong kaibigan..nagkekwento siya tapos nasabi niya "earplane" haha. tawa kami ng tawa nun. Memories… hahaha. :O
sa blog ng kaibigan ko. nanonood daw siya ng coffee prince. at kinikilig na nagiging uod. nakakainis yung term niya na uod., may naalala ako.haha. :O matagal na din pala simula nung kinilig ako ng sobra… hmm. anyway. dahil sa kakapanood ng k-drama.. nagkakaroon ulit ako ng ideal crush.hahaha.
Paper plane. masarap sa ulap.. kung kaya lang akong dalhin ng paper plane.. pupunta ako sa malayong lugar. sa magandang lugar.. kaso hindi kaya…………. mabigat kasi ako. :O




