Home » Archives » November 2007 » Page 5
mag-inuman o Dota??
November 4, 2007SUNDAY: pumunta kami ng pampanga dahil they are celebrating the birthday of a relative, my a-po.(LOLA in kapampangan). So kamusta nmn yun? napudpod ang aking noo!! kaka mano sa mga tita/tito/lolo/lola/ and elderly people. Mas masaya sana kung pasko ngayon. edi kada mano may iaabot kahit bente pesos lang.haha. nako. may tito pa kami dun na nangungulit.. (malayong kamag anak na namin. but they are close to my family so we call him tito.) our conversation:
" Ilang taon ka na nga ba?"
"six….ay seventeen pala.haha" (nandudugas pa ako ng edad. feeling sweet sixteen.haha)
"ay.isang taon na lang pala. pwede ka na mag-asawa"
"HAHAHAHA. ay! hindi pa po!!malayo pa po yun"
"ayy.dapat mag-asawa ka ng maaga.. tignan mo ko. nung nag-asawa kami ng tita mo..18 lang xa..tignan mo. nagpapahinga na lang kami, nagtatrabaho na lahat ng anak namin"
"wahh. hindi po..haha. ayaw pa po.madami pang pangarap.haha"
"pwede na yan.."
ANg kulit niya. ano kaya mapapala niya kung mag-asawa ako ng maaga? haha. amp. pangarap niyang maging Model of the year. dapat ba na siya ang tularan ko?haha. nako. edi nagkandahirap naman ako nun.bnaka nmn mayaman sila kaya ganun.ang hirap na kaya ng buhay ngaun. nako.. dinaan ko na lang sa kain ang conversation namin. pinapatawa niya naman ako e.haha.
pagkatapos ay pumunta na kami sa bahay namin sa probinxa at nagpahinga sandali dahil pupunta kami sa kabilang kanto na bahay ng tito ko..dahil victory party niya.. HANDAAN nanaman.. ai. para lang akong hansel and gretel, 2 in 1 ako.. pinapataba ako maxado.parang ipapakain ako sa witch. e puro taba lang ako. CHolesterol lang ang makukuha nila. mahilig ba sila s mantika? hai.. lahat nga ng kamag-anak ko. narinig ko nanaman ang pangungutya nila na ang taba ko na.. ang laki nanaman ng braso ko. ay hindi na talaga ako uuwi dun hanggat hindi ako pumapayat.. OMG.baka hindi na ako makauwi sa probinxa.huhuhu.
edi ayun na nga. kain na ng meryenda.. spaghetti ang kinain ko.. tapos may videoke dun.. hala. may baliw dun.. bata pa daw yun nung nabaliw..pero hindi nmn xa totally baLiw..may sayad lang.haha. gaya ko. nagtataka ako. sana pinadala nila sa mandaluyong..at iniwan.joke. dapat pinagamot nila dun.. kasi sayang din. ayun mukha siyang adik nung nakahawak ng Microphone.. kumanta pa ng DON'T CHA ng pussycat dolls.. sabay tatawa ng.. "wahahahehehehuhuhuhohohahawehehehihihihuhuhu" ayun. mukhang adik na aso lang. natatawa na nga din ako kahit di ko talaga sinasadya.. sabay sabi pa ng pinsan ko:
"AY!KAMUKHA MO OHH!HAHAHA" sabay sabi ko naman sa kanya.
"LOKO MO! GIRLPREN MO YAN NOH!" sabay sabi niya na one year na daw sila.haha.YAK.
habang ako ay lumalamon..dumating ang mga kuya ko at ibang pinsan galing sa paglalaro ng DOTA.. at ang pera na pinanglaro nila ay galing sa aking nanay na na BLOCKMAIL nila.. ang linya nila:
"ANo gusto mo?Mag-inuman kami o mag DOTA??!!"
waw naman! nam blockmail pa. edi walang nagawa si mama kundi piliin ang dota..haha. ayos yun ahh..
hindi ko ba alam kung bakit tuwing nakikita nila ako ay sumisigaw sila ng "DEBUT!DEBUT!!" hai.gusto daw nila mameet ang mga classmates ko. amp. gusto daw nila ng chiks. tokwa.haha. wala na yata talagang atrasan ito.. maxado na silang expecting. sabi ko puro lalaki ang nasa debut ko kaya wag na sila umasa..ang sagot ng pinsan ko. "AY! wag naman.! baka maging bading sila pag nakita kami!" hoho. yabang. sabi pa nila.
wag ko daw imbitahin yung pinsan ko na mataba(AS IN! BIG BOY!parang 9 months pregnant. :O) si RAP-RAP.. kasi daw..pag sinabi nila na:
"RAP, ilagay mo nga tong chiken sa lamesa" baka daw sabihin niya..
"WOW! TSIKEN! FIRST BLOOD!!DOUBLE KILL!!" haha. buto na lang daw ititira sa handaan. Ang sama talaga nung mga yun,. :O
Nakita din namin ang tito dong namin sa handaan. siya ay galing london.. ang tatay ng favorite boy cousin ko na si mark. sabi sakin ng tatay niya. "mark said he's not going home until your 18" woohoo.. one of the best gifts! nandito siya sa Pinas sa 18th ko. haha. Ooohhh. I love him!! yehess… ang pinagtataka ko lang. bakit alam ni tito ang aking buhay.. "i know what you did last summer daw" haha. sabay bumanat kasi ng "is Delvin texting you?"… "wah! No Po.. that's nothing.. Friends.haha" naku nmn. tsismis talaga.
ayun. sabay umuwi na din kami. buong oras na nasa biyahe ako.. lumulutang ang aking isip… thinking too much is stressful.. :c
I think i hate you.
November 3, 2007You: is SEMBREAK!! I think I also hate breaks..Ironic. nagiging couch potato ako e. lumba lumba..
sa 3 linggong bakasyon.:
50%: ng oras ko..ako ay natutulog.
10%:Kumakain.haha.
10%: nanonood ng tv habang kumakain.haha.
20%: umaalis ng bahay. para maki party? kumain din.haha.
10%: nagkokompyuter o naghuhugas ng pinggan,.
Hai. paikot ikot sa.:
TULOG→ Kain→ Tulog→ nood→ kain→ Tulog! haha.
da best.. lumba lumba. nako ang taba taba ko na yata. mga comments ng mga kamag-anak ko sakin ay:
"Oo nga tumaba ka. ang laki ng braso mo/ ang laki na ng mukha mo/ ay may bilbil ka na ohh"
OMEN. Hindi na lang nila sabihin na ang baboy ko na.haha. kung di ko lang kamag anak yung mga yun.. gulpihin ko na sila e.haha.well. hindi kasi ako anorexic tulad ni vianney(sabi ng tatay niya.hehe).amp. I love foods. haha. :O I can't resist haha. hai,tatawagin nanaman nila akong JUDAY. ang laki kasi ng mukha ko. amp. auko nga kay JUDAY! yung kuya ko sa states. tawag sakin Eesay. amp! kaya daw hindi niya ako namimiss..nanonood daw kasi siya ng ysabella. wehehe. hindi ko kamukha yun.. kakainis.
huhu. di na kasya sakin ibang damit ko. amp.huhuhu.
pano ba mababawasan ang taba ko?e i hate working out!! I'm a BUM.. Too lazy to do things. FITRUM? joke.haha
StuPPs..
Wee. New layout ang aking blog. naks naman! ang kikay ko talagaa. haha. Pink kung pink ang laban.. pokpok pink daw ang tawag sa kulay na ito. haha. pero parang pambata nga e.. kyuti kyut kyut(parang si mahal at mura lang e)
Ako ay nanaginip nung isang araw.. ako daw ay binugaw ng magulang ko sa kapitbahay namin!! SIYAKS! sa childhood friend ko pa. O why!! dahil daw ayaw nila sa Bf ko. ako daw ay iniwan nila sa kotse at pinapasok yung kapit bahay namin.. kami daw ay umalis na at nag drive siya..at bigla niya na lang ako tinatanong na "Pano ba to?? pano hihinto" potek. drive daw xa ng drive hindi pala siya marunong.. at kami daw ay nabangga sa maliit na trash can.. pero namatay daw kami. wahaha. weird. namatay kami dahil nabunggo kami sa trash can. amp.
Hay. prang ayoko pa pumasok sa skewela. dahil mag-aaral nanaman ako (kunware).. amp/. puro assignments,quiz,RLE at chuva chuva nanaman!! argh. auko pumasok. wah.. sabi nga ni kristeta.. :
I'm so tired of following my dreams. I'll just ask them where they're going, and hook up with them later. hehe.
One night stand?haha. hai hai hai. wishing for a better grades! :O
FAMADICO.. Nakakatakot ang mukha niya, amp!
PaBiLi ng Boto.. ;)
Naka Ng!! Feel na feel ko ang pagiging citizen nung botohan.. parang nakasalalay ang pag-asa ng kabataan sa aking isang boto. haha. pero nak ng tinapa. naikot ko na yung buong place ng botohan hindi ko pa makita kung saan ba talaga ako boboto.. nasa isang maliit na silid pala.. nako. hindi pa man din ako nag ayos nun.naka shorts pa ako at bagong gising.haha. nakakahiya.. pinaghandaan pa man din ng iba yung botohan.naka japorms pa yung iba e.haha. naka jeans,shoes,accesories pa. akala mo nmn may party sa botohan. amfufu. edi yun may mga nangampanya pa nga sa bahay e. nak ng, swerte swerte naman nila, naka shake hands pa sa malambot kong kamay.. kagagaling ko pa man din sa CR nun..haha.joke only.haha.
nako.ang tagal pa mawala nung black ink sa aking daliri.. hindi tuloy ako makapag "finger lickin' good" baka malason ako e. lagi tuloy ako naka spoon and fork. amf.. ayun kung sino sino na nga lang binoto ko. badtrip.hindi pa nanalo yung mga binoto ko. may sumpa yata ako..
pero dahil sa experience na yun.parang auko na bumoto.haha. pero kailangan e,.. para masabi na isa akong concerned citizen.. may tanong nga na bumabagabag sa aking isipan.. yun ay ang:
VOTE WISELY
kasalanan ba kung hindi mo binoto si wisely? kilala mo ba xa..? ako kasi hindi.. kahit lagi ko xang naririnig na tumatakbo sa eleksyon. Pag nagka anak ako. wisely kaya ipangalan ko? para manalo siya sa eleksyon. haha.
naaalala ko nga pala ang tanong sa itaktak mo sa eat bulaga kanina..
"Sa fairy tale,Sino ang 'A' na nasa wonderland??"
mayabang na sumagot yung lalaki..
"ALADDIN!!!! ALADDIN!! ALADDIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNN!!"
badtrip! ang saya pa niya e.sigaw pa siya ng sigaw.. amp.parang ang alam ko e si ALICE un.
meron pa e.. "anong 'B' ang buto na nagpoprotekta sa brains?"
ang sagot ni manong..
"BONES!! BONES!!"
amp! haha. oo nga naman!! Bones nga naman.. pero bungo talaga ang tamang sagot. haha. bakit ba.. bones naman ang bungo ahh.hahaha.
krimen sa undas!hahaha. SOCO.
November 2, 2007unang una. inisip ko pa tuloy ang spelling ng halloween.haha. bakit ba? e hindi nga ako nananalo sa quiz bee sa spelling! lagi nga akong bagsak dun e. at least kinabisado ko ang spelling ng bouquet!
Araw ng patay.usually dinadalaw namin yung mga lolo at lola ko sa sementeryo kasi ayaw namin na kami pa ang dalawin dito sa bahay. pag ganun nagkikita ang buong family.parang family reunion ba. nagpaparty sa sementeryo.haha. edi naghanda na kami ng mga pagkain.. nag bake pa man din ako ng cookies at cupcake. ay Anak ng tinapa!! naiwan ko pa!!! ohhh noooooooo!! ang bata bata ko pa daw e makalilimutin na ako.. naisip ko.. Bata lang.bata bata..baby yun e. mas nakakaalala pa daw ang panot sakin. e ano naman. ang yabang naman ng mga panot, pag makalilimutin sila..pwede ba nilang gawing excuse yun "bakit ba? e panot ako!" .haha. magpapapanot na lang din ako. amp.
dumating kami sa probinxa at kumain muna sa handa ng tita ko.. birthday niya kasi ay Nov.1.. contradictory sa araw na iyon..yun ay araw ng patay pero yun ang araw ng pagkabuhay niya.. tapos kumain ay diretso na kami sa puntod ng mga lola ko..ay nagsiksikan kami sa sasakyan namin.. pagdating dun ay xempre kumain ulit kami.walang magawa e.. tapso nagdasal kami at umalis na.. yehey ang pinakahihintay ko na pampanga na ang next na sementeryo.. woohoo. natulog muna ako sa sasakyan.. pagkagising ko.
naku!! sasabog na ang pantog ko!!! wahhh…
tiniis ko na lang talaga.. kaunti na lang e tutulo na.haha. sobrang pigil..sabi ko sa sementeryo na lang..may bayarang Cr naman dun e.e grabe sus. ang tagal ni mama at ni kuya..nagtatalo pa kung mas mabigat ba kung sabay nila bubuhatin o pag isa lang ang magbubuhat.. nako.. sa sobrang inis ko gusto ko na silang ihian!haha, di ko na kaya e.. FIRE IN THE HOLE! haha. ayun pagdating sa sementeryo.aba nagchikahan pa.. e ihing ihi na ako.wala akong kasama. buti namn naawa ang tita ko sakin at sinamahan ako. e madami daw tao sa CR.. ai.saan niya ako pinaihi?
sa likod ng sementeryo!! nagtakip lang ako ng mga payong.ahha. buti gabi na nun. walang makakahuli.hahaa.pero baka kung anong maliliit na elemento ang nabuhusan ng waterfalls ko.. mamaya may camera ng imbestigador dun. maimbestigahan pa ako sa pag-ihi dun,haha. mamaya pa,pagkatapos ko umihi dun e kunin yun ng SOCO. dapat pala inayos ko ang crime scene.. nako. sorry na sa masamang krimen na nagawa ko.. wala nmn akong baon na pampers.. nag A.K.A keanna reeves tuloy ako. umiihi sa garden.haha. mas malupit ang crime scene ko.sa sementeryo pa.haha. nag tabi-tabi po naman ako. good manners.haha. sa susunod talaga. I promise..
Magbabaon na ako ng arinola next undas. haha.
Paano kaya kung yun ang nirereport sa TV noh? mga umiihi sa kung saan saan.may hidden camera pa. naku! patay ako jan.haha. magpapa opera na ako.tatawagan ko na agad si kumareng vicky belo.. isasabay ko na din ang pagpapaLipo..
after ko pala gawin ang krimen.. ay nakita ko ang pinsan kong lalaki na nakatalikod.. ay. he's repeating the crime!! hahaha. HULI YOU!! may mga body guard pa siyang mga pinsan ko.. nung nakita nila ako.. bakit gaanun. ang una nilang sinabi.. "PAtingin nga ng bangs mo? HAHAHHA" mga hayup na yun. nag insulto.tumawa ng malakas..tinanong pa kung uso daw ba sa manila ang bangs. at tatawa ulit. ayun. nag head band tuloy ako.haha. nahiya. at inusisa nanaman nila ang debut ko..e auko nga sila iinvite e.hahaha. gate crasher daw sila. gusto pa nila magperform.. kaya pala makapal ang mukha ko.amp. mana sa mga matatanda kong pinsan.. hai. nilalait nila ang bangs ko.malamang nakwento ng dalawa kong kuya.dahil nung nakita nila ang bangs ko..ang sabi nila "WAHAHAHA! mukha kang lalaki!".. at tinawag pa akong "BERNARD" ai. mukhang pangalan ng aSo yun!!hayup. sana BOGARD na lang ang tinawag sakin.haha.
ayun. nakakainis talaga ang nanay ko. nan tsismis nanaman ng buhay ko.. parang fan ko yung nanay ko.lagi na lang kinekwento sa iba yung buhay ko. updated daw ba sa latest chikka. ai nafeel ko tuloy ang pagiging celebrity. pero auko ng ganun.i-chismis daw ba yung attempted audition ko sa PBB!wahaha. e nag backout ako kasi ayoko pumila.haha.kaya nung nantsitsismis siya..ako ay sumigaw ng sumigaw.. "WAHH! mama naman e! i hate u!! wah.nOOOOO.. kasi naman e!!!" ayun.nangisay-ngisay pa ako para tumahimik. amp! todo suporta naman mga tita ko,.. hai. auko nga.haha.
sana mas maganda ang undas nxt time.."mabuhay ang mga pilipino..mabuhay tayong lahat..mabuhay ang mga patay". amp. MAIS.


