Home » Post Item » feng shui sa wallet.haha. ;)
feng shui sa wallet.haha. ;)
November 21, 2007ako ay nagising dahil sa busina! grabe! napikon talaga ako. kung hindi lang magulo ang buhok ko pag gising e lumabas na ako at sinaksak yung drayber! napasigaw na nga ako ng "ano ba?! may natutulog!!!huhuhuhu." joke lang yung "huhuhu" epek!. sabi nga nila. inisin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising! sanay kasi ako na payapa ang paggising sa umaga dahil subdivision kami.. may dumaan nga lang na isang tricycle e napipikonm na ako sa ingay. parang gusto kong laslasin yung leeg ng drayber, Morbid?! 0_o?
pero may mas matindi e.. inisin mo na ang bagong gising, wag lang ang may dalaw(menstruation). sabi nga ng kaklase ko.. pag daw nagsusungit na yung girlfriend niya..sumisigaw na siya ng "OPS!OPS! BAKIT ANG SUNGIT MO?! MERON KA NOH?!!!" ayun.tapos usog na daw xa ng kaunti kasi boxing na daw ang aabutin nila.haha. :O grabe. first day ko kahapon. hala! e para lang akong pretzel dun. nagkanda buhol buhol na yata ang katawan ko sa sakit ng puso…N. ko. Puson! haha. :O kaya ang sagot sa Pain (dysmenorrhea) na hindi makayanan ay MEFENAMIC ACID. edi uminom ako ng 500..mg! hindi 500 pcs.. adik lang?! ayun nawala ang sakit! dapat nga alaxan na lang e.para kunwari nagboxing lang. pacquiao?
ayun! sabay banatan pa ako ng pang aapak sa aking katauhan! paninira na to. amp. aba.edi nag iba ang takbo ng mundo ko. hindi ko talaga napigilan manahimik! nabasag ang katahimikan. aba.nanlisik ang aking mga mata. naging tingin ng diablo!haha.joke. tiger look lang! :O creative writing na ba? haha. sobrang napikon lang ako na gusto kong dukutin ang mata niya at ihalo sa lugaw! yum!hehe. hay. ka weird ng buhay..
gusto ko maging isang IBON.. malayang lumilipad sa kalangitan. :O pero kung may menstruation din ang mga ibon.. ay wag na lang! haha. ay nabasa ko sa blog ng isang babae na swerte ang condom sa wallet. pampadami yata ng pera.haha. :O e paano nmn kaya yun! baka makita ng nanay ko. palayasin ako sa bahay!haha. baka sabihin niya e immoral ako.. gulpihin pa ako nun dahil inakala niya na active ang sex life ko. wahahaha. wah! against PMS kaya ako!!! :O
ang saya sa PEDIATRICS na class.., super kyut ng mga babies e. nakaka aliw. I love babies.. pero hindi ko pa gusto magkaroon!haha. wala pang tatay noh.. hanggang water babies na lang ako.haha. mag aalaga kami ng mga babies. kahit pangarap ko gumawa ng isang krimen na pagpalitin ang dalawang bata na parang maria-clara the movie. o kaya mala endless love autumn ang drama. e hindi ko gagawin yun. dahil isa daw akong mabuting nars. saka na…pag graduate ko.haha. joke.
pumunta kami sa aling ising at bumili ng uniform ni vayani.. at nakita namin doon si jerome, britten at demoy.. :O at nagbasa ako ng magazine. naks sa solution.. kung ang kili kili mo ay parang na-kiwi at mukhang nasubsob sa uling.. or yung knees at elbows mo ay parang malibag lang.haha.gumamit na ng BELOWHITE. steroid-base cream daw xa. but you need to consult a dermatologist first, baka kasi allergic ka dun. ayun. gusto ko nun para sa knees at elbows ko.di kasi maxado maputi e.. sabi ngani jerome.: "only belo touches my skin".. di ko tuloy siya mahawakan,. :O
Previous Comments
ui kaibigan ko high school pa siya may condom. at mdami na siya pera ngayon. kaso nung hs wais xa. nanghihingi xa ng ulam ng mga tao. nakakatipid nga xa. so di parin proven ang condom
Posted by vian at November 22, 2007, 7:51 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



oo nga gaw ate. maswerte daw si pareng condom sa wallet. ung klasmeyt ko meron eh.haha.
Posted by phot at November 22, 2007, 6:35 pm