Home » Archives » November 2007
"thing"
November 30, 2007mga hs friends ko. ung may alam ng site ko.. ayan. kayo lang makakarelate dito. haha. :O yung hindi ko classmate dati nung hayskul. ay. sorry na lang. :O
may naalala akong couple nung high school pa ako.. si jay at si aya.. kasi may nakita ako na batch mate ko na mukhang sila pero hindi naman daw sila. ang tawag daw dun ay. "may thing sila" haha. parang M.U. type.. cute nga nila tignan e. ayan tuloy naalala ko sila aya.
classmate ko sila dati.. lagi nga sila tinatanong kung sila na e.. kasi as in parang sila pero hindi sila. haha. nagliligawan lang pero yung type ng relationship nila e pang mag-On na.. nakekwento nga niya sakin na sobrang kinikilig siya kay jay e. kasi kakaibang tao na biglaan na lang nagpaparamdam ng love minsan. pero madalas ay hindi. medyo madalas nga nalulungkot yang si aya e.. kasi parang hindi seryoso si jay sakanya. pero anyway ang importante naman ay masaya sila..
hindi naman ako nasasamaan sa ganun. ung hindi kayo pero medyo kayo kung umasta. holding hands at may sariling mundo. yun ang lagi kong nakikita sakanila. minsan nga nakita ko sila nun sa carpark e. parang prinsesa si aya. hala. inalok ba naman lahat ng pagkain na available. narinig ko na sabi ni jay.:
"anong gusto mo? shake? barbecue? waffle? ice tea? donut?" lahat na yata ng pagkain na nakita niya ay inalok niya na kay aya. nakakatawa kaya sila panoorin. as in parang kayang ibigay ni jay lahat sakanya. e hindi naman!haha.
ganun kasi yung situation na nakita ko sa kabatch ko. nakita ko sila sa carpark after LTS. at hinila ni babae si lalaki sa finger nga lang. tapos ayun. naghahanap sila ng pagkain. sabi kasi ng kaibigan ko e hindi daw sila. may thing lang. e may naiwan yatang gf sa states si lalaki e.. ewan ko.
balita ko nga, hindi na masiyado nag-uusap si jay at si ana. pero friends pa naman daw. eh wala nmn akong balita sa nangyari dahil maxado na ngang malayo ang mga hs friends ko sa akin ngayon. wala man lang akong idea kung bakit,. pero cute silang magkasama. sayang naman. engage pa naman sila gamit ang pekeng ring binder.haha. kadire sa kakornihan! matext nga si aya mamaya..haha. makikichismis lang ako. pero sana namn e mabalik yung closeness nila. kahit best friends lang. personally, ayoko maging sila ni jay.. parang feeling ko e maghihiwalay lang sila agad..
ayan. pati yung boyfren ng seatmate ko nung HS e naalala ko na. dahil hindi alam ng seatmate ko na crush ko ang boypren niya.hahaha. paolo nga name nun e. pero hindi ako nagtangka magpakyut sa bf niya.haha. :O
Bff-best friend forever.
naaalala ko ang mga linyang
"sino ang best friend mo doon?"
"Siyempre ikaw lang!"
at nung bata pa ako.. may peyborit kaming line ng mga kaibigan ko.. "What's ours friends for" hindi naman kami mahilig sa letter S noh? haha. batang bata pa ako non.. naaalala ko ang mga eksena habang kami ay naka bike pa..
"punta tayo dun hah!"..
"Sure! whats ours friends for."
Naka ilang bestfriends na yata ako. sabi nga ni kuya. "ano kaya yun. bestfriend nga e.. BEST! bakit madami?" 7 na yata ang best friend na dumaan sa buhay ko. yung iba nga hindi ko na nakakausap ngaun e. pero yung kuya ko, 1 lang ang best friend niya since birth. halos kuya na nga ang turing ko sa bestfriend niya.kaya hindi ko machancingan.haha.
pero.. crush ko ang best friend ni kuya.hahaha. hindi alam ni kuya na palihim kong pinagnanasahan ang bestfriend niya. ang swerte nga pag bestfren ng kuya mo ang crush mo, kasi madalas pumupunta sa bahay. madalas ko nga nakikita ang katawan niya,hehe. kasi pumupunta minsan sa bahay ng walang t-shirt. immoral xa.joke.haha. kasama pa namin mag mall minsan. at madalas niya pa nga ako inaalala e. ehehe. mabait kasi. pero may gerlpren na siya at malayo ang age gap kaya hindi ko na pinapatulan.haha. :O
nakakatuwa silang mag best friend kasi di pa sila nag aaway simula nung bata pa. at nagkakaintindihan sila kahit hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nila. sabi pa nga nila nung nasa NLEX kami.. :
"Uy o may field trip..tignan mo kung anong bus number!"
"number 8!"
"nako! naiwan na tayo!.. kawawa nmn ang field trip nila.. umuulan!tapos swimming kunwari noh?haha. o kaya papasyal sila sa baguio "
"papuntang manila yung bus, tapos baguio? sa kabila ang baguio! SOUTH yung baguio!"
"ay oo nga!"
ay parang dalawang adik lang na nag-uusap! kailan pa naging south ang baguio?! nakakainis.. nagka intindihan pa sila! gusto ko nga silang bugbugin e.buti na lang gwapo yung bespren niya. haha.
may isa pa ngang pangyayari na natutulog na ako sa bahay at ako ay nagising.. e dahil feel at home ako. na dapat nmn talaga! dahil bahay namin yun.. so ang damit ko e sando lang at cycling.. all white pa yung mga yun. parang fitting na fitting lang. e nauuhaw ako.(sa pag-ibig?)kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. pagdating ko sa kusina e nagkanda gulat gulat ako dahil nadaanan ko pala sila sa sala. wow. nakita nila ako sa ganung kasuotan! para lang akong nahubaran.haha. nakakainis. nakita nila ang hubog ng katawan ko.haha.. ang macho ko pa nmn sa damit ko.hehe.
kailangan ko pa gumawa ng reaction paper about food.. xaks.. sa pagkain lang ako magaling! hindi sa reaction.haha. :O
Yeah right! :)
|
|
"Maybe we are meant to meet the wrong people before meeting the right one so that when we finally meet the right person, we will know how to be grateful for that gift. Maybe when the door of happiness closes, another opens, but often time we look so long at the closed door that we don't see the one which has been opened for us.
Maybe it is true that we don't know what you have got until we lose it, but it is also true that we don't know what we have been missing until it arrives.
Giving someone all your love is never an assurance that they will love you back. Don't expect love in return; just wait for it to grow in their heart; but if it does not, be content it grew in yours.
The happiest of people don't necessarily have the best of everything; they just make the most of everything that comes along their way. Happiness lies for those who cry, those who hurt, those who have searched, and those who have tried, for only they can appreciate the importance of people who have touched their lives.
Love begins with a smile, grows with a kiss and ends with a tear. Never take things for granted. The brightest future will always be on a forgotten past, you can't go on well in life until you let go of your past failures and heartaches. When you were born, you were crying and everyone around you was smiling. Live your life so that when you die, you are the one who is smiling and everyone around you is crying.hahaha. :O"
I just found this cute compiled quotes in live journal.. ang ganda pala sa live journal.. hmmm…. Lipat kaya ako!?!haha. taksil sa i.ph! hehe. cool kasi e.. hmm. hirap nmn kung dalawa ang blog. anyway.masaya na ako dito. :O
i lurve her shades.
November 21, 2007
kakanood ko lang ng simple life ni paris hilton at nicole sa ETC… crush ko talaga si paris hilton.,haha. na sesexyhan ako sakanya at ang pretty niya para sakin. haha. gusto ko siya maging Girlfriend..haha. siya yata ang magpapa tibo sa akin. as IN!!! ang yaman pa.haha. ang saya nun. sugar mommy ko siya. haha. araw-araw ko heheramin ang iba't ibang shades niya. i super lurve the shades!! :O ano nmn kung bobo siya at bitch. mayaman naman! haha. :O at balita ko ay mabango yung perfume niya.. paris hilton yata ang name.haha. :O obvious. 
feeling ko ay dapat nag-aaral ako ngaun.haha. nagbabasa ako ng pedia kanina.. interesado talaga ako sa mga babies.haha. wah. nakalimutan ko kung nagpapa surprise test ba si mam.luy sa ang nutrition.. huhuhuhu. :C nako. pag nagkataon.siya ang masusurprise sa score ko. aba. sa p6 nga e 14/20 lang yata ako!.huhuhu.
reminds me of jay-r siaboc and maja salvador in pangarap na bituin. haha. kinikilig ako sakanila. infairness. ok jologs na kung jologs.care mo kung jologs ako.. inggit ka?haha. :O
feng shui sa wallet.haha. ;)
ako ay nagising dahil sa busina! grabe! napikon talaga ako. kung hindi lang magulo ang buhok ko pag gising e lumabas na ako at sinaksak yung drayber! napasigaw na nga ako ng "ano ba?! may natutulog!!!huhuhuhu." joke lang yung "huhuhu" epek!. sabi nga nila. inisin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising! sanay kasi ako na payapa ang paggising sa umaga dahil subdivision kami.. may dumaan nga lang na isang tricycle e napipikonm na ako sa ingay. parang gusto kong laslasin yung leeg ng drayber, Morbid?! 0_o?
pero may mas matindi e.. inisin mo na ang bagong gising, wag lang ang may dalaw(menstruation). sabi nga ng kaklase ko.. pag daw nagsusungit na yung girlfriend niya..sumisigaw na siya ng "OPS!OPS! BAKIT ANG SUNGIT MO?! MERON KA NOH?!!!" ayun.tapos usog na daw xa ng kaunti kasi boxing na daw ang aabutin nila.haha. :O grabe. first day ko kahapon. hala! e para lang akong pretzel dun. nagkanda buhol buhol na yata ang katawan ko sa sakit ng puso…N. ko. Puson! haha. :O kaya ang sagot sa Pain (dysmenorrhea) na hindi makayanan ay MEFENAMIC ACID. edi uminom ako ng 500..mg! hindi 500 pcs.. adik lang?! ayun nawala ang sakit! dapat nga alaxan na lang e.para kunwari nagboxing lang. pacquiao?
ayun! sabay banatan pa ako ng pang aapak sa aking katauhan! paninira na to. amp. aba.edi nag iba ang takbo ng mundo ko. hindi ko talaga napigilan manahimik! nabasag ang katahimikan. aba.nanlisik ang aking mga mata. naging tingin ng diablo!haha.joke. tiger look lang! :O creative writing na ba? haha. sobrang napikon lang ako na gusto kong dukutin ang mata niya at ihalo sa lugaw! yum!hehe. hay. ka weird ng buhay..
gusto ko maging isang IBON.. malayang lumilipad sa kalangitan. :O pero kung may menstruation din ang mga ibon.. ay wag na lang! haha. ay nabasa ko sa blog ng isang babae na swerte ang condom sa wallet. pampadami yata ng pera.haha. :O e paano nmn kaya yun! baka makita ng nanay ko. palayasin ako sa bahay!haha. baka sabihin niya e immoral ako.. gulpihin pa ako nun dahil inakala niya na active ang sex life ko. wahahaha. wah! against PMS kaya ako!!! :O
ang saya sa PEDIATRICS na class.., super kyut ng mga babies e. nakaka aliw. I love babies.. pero hindi ko pa gusto magkaroon!haha. wala pang tatay noh.. hanggang water babies na lang ako.haha. mag aalaga kami ng mga babies. kahit pangarap ko gumawa ng isang krimen na pagpalitin ang dalawang bata na parang maria-clara the movie. o kaya mala endless love autumn ang drama. e hindi ko gagawin yun. dahil isa daw akong mabuting nars. saka na…pag graduate ko.haha. joke.
pumunta kami sa aling ising at bumili ng uniform ni vayani.. at nakita namin doon si jerome, britten at demoy.. :O at nagbasa ako ng magazine. naks sa solution.. kung ang kili kili mo ay parang na-kiwi at mukhang nasubsob sa uling.. or yung knees at elbows mo ay parang malibag lang.haha.gumamit na ng BELOWHITE. steroid-base cream daw xa. but you need to consult a dermatologist first, baka kasi allergic ka dun. ayun. gusto ko nun para sa knees at elbows ko.di kasi maxado maputi e.. sabi ngani jerome.: "only belo touches my skin".. di ko tuloy siya mahawakan,. :O



