Home » Post Item » Sa Ngalan Ng pag-ibig..
Sa Ngalan Ng pag-ibig..
October 13, 2007ito ay isang paboritong article ko tungkol sa pag-ibig..nakuha ko to sa bobongpinoy groups ko sa yahoo. ü Natutuwa ako kapag bina balik-balikan kong basahin., ang kulit kasi ng nagsulat. mga bagay na nakakatawa dahil ginagawa natin at naiisip natin sa ngalan ng pag-ibig.
naisip ko lang i-share.kasi naglilinis ako ng e-mail. dahil pinagatatwanan na nila ang e-mail ko dahil thousand na ang laman niya. haha.
Babala:Masyadong mahaba ang artikulong ito. Dapat isabay niyo ng popcorns at coke sa pagbabasa nito para hindi kayo mainip.:-D
Marahil halos lahat naman ata ng tao sa mundo ay naranasan din ang ngumiti na abot tenga at pakantakanta ng mga walang kamatayang mga love songs na kadalasan ay galing sa mga boybands o di kaya ay kinikilig-kilig ka , dahil sa pagiging inlab. May mga babaeng nagmumukhang kalilibing lang dahil sa kapal ng kanilang mga make-up at mga lalaking nagkautang-utang na sa kabibili ng mga rosas, tsokolate, siopao, at mga naglalakihang stuff toys na kadalasang kamukha ni pikachu o di kaya ni yogi bear para lang may maibibigay sa kanilang nililigawan. Bakit nila ito ginagawa? Ang sagot ng karamihan: dahil sa ngalan ng pag-ibig.
Sa murang edad na apat na taon ay nagsisimula na tayong magkagusto sa isang tao, mapalalake man ito o babae, o kung minsan ay sa kasing kasarian natin. Kadalasan ay sa titser nating maganda o guwapo tayo napapahanga. Diyan naman raw nagsisimula ang lahat, sa paghanga o sa popular na tawagan, ang "crush". Minsan kung may development ang paghanga mo sa tao ay nakikita mo na ang sarili mo sa puntong para ka ng robot na wala ng ibang lumalabas sa bibig mo kung hindi siya. May kasama pang background music ng favorite mong love song kapag naiisip mo yung kinalolokohan mo. Lahat ata naapreciate mo sa kanya. Minsan pati anong gusto niya ay gusto mo na rin o di kaya gagawin mo kung ano yung kaya niyang gawin (e.g. kumain ng isang dosenang atay ng manok sa isang subo lamang) na pagaaralan mo ng husto. Noong nasa grade five ako ay binigyan ko ng chocolates ang crush ko. May acting pa yun na kunwari hindi ako ang nagbigay kahit ako naman ang nag-abot sa kanya nun. Pinagipunan ko pa naman ang baon ko para lang may maibili pero namulat din ako sa katotohanan na "puppy love" lang marahil ang nadama ko at hindi ko pa siya mapapakasalan kapalit lang ng isang kahon ng chocolates.
Hanggang kyut lang ang ganitong antas ng pag-iibigan. Mga batang nasobrahan sa kapapanood ng mga cartoons na may temang "love" ala "Fushigi Yuugi" o yung "Si Julio at Julia, ang kamabal ng tadhana" o di kaya ay sa mga telenovela nina Rosalinda at Fernando Jose o yung sumikat na "Meteor Garden". Bata ka pa raw kaya hanggang chuvachuchu ka lang. Ano ang chuvachuchu, hindi ko alam. Tanungin niyo kay Jolina.
Kapag medyo umabot ka na sa edad na ika’y tuli na o di kaya dinatnan ka na ng dalaw ay ito na yung panahon kung kailan puwede ka ng ligawan o di kaya ay puwede ka ng manligaw. Noong isang araw ay may survey na ginawa ang kaklase ko sa physics class namin. Akala ko masyadong importante ito na dapat bawat isa sa amin ay may sagot. Ang nasa survey ay piliin sa mga nakalista kung aling bulaklak ang dapat ibigay sa nililigawan. Very educational ang tanong niya sapagkat napaisiip ako tungkol sa botany ngunit may koneksyon ba ito sa Newton’s law of motion o kaya sa atomic nature of matter? Talaga naman ang pag-ibig pati sa pag-aaral ay present.
Tinanong ko minsan ang kaklase ko sa 1st year kung ano ang feeling na may gf sa edad na 13. Ang sagot niya sa akin, "lalake ka nang maitatawag kung nagkaroon ka ng girlpren". Hindi ba’t pareho din yun kung ikaw ay tuli na? Talaga ngang hindi ako nakontento sa sagot niya at kaya tinanong ko ang klasmeyt kong kilala sa pagkakaroon ng maraming boypren. "Ano ang feeling ng nagkaraoon ka na ng boypren kahit nasa edad na 13 ka pa lang?", ang tanong ko. Sinagot niya ako ng ganito, "kinikilig naman ako sa mga texts ni baby ko at isa pa hindi na ako mahihirapang magbuhat ng bag ko at ang bait niya dahil palagi akong nililibre. Nalito ako kung tatawa ba ako sa mga pinagsasabi niya o manluluma ako sa kababawan ng sagot niya. Para sa kanya ba ang isang bf ay katuwaan, alalay at ATM machine lamang? Malamang.
May kilala akong may pinsan na nabuntis sa edad na 16 at ang lalake naman ay nasa 17. Hindi naman raw pina-abort ang bata katulad ng mga napapanood sa pelikula ni Osang. Nag-aaral pa rin ang dalawa at magpapakasal pagkatapos nilang magkolehiyo. Maayos ang lahat, walang abortion at walang demandahang naganap ngunit tama pa rin ba ito? Sa katotohanan, hinde. Maipagpapalit nila ba ang gatas nila sa labi para sa isang lata ng Promil o Bonamil? Ikaw, nakikita mo ba ang sarili mo na sa murang edad na 16 ay may magtatawag na sa iyo ng mommy o daddy? Kung kailan ay nag-uumpisa ka pa lang mag-mature ay may bata ka ng dapat turuan na magtanda rin.
Hindi na rin bago ang mga balita sa TV at sa Tabloid tungkol sa mga nagbibigti at binabaril ang sarili dahil sila’y nabusted, nagbreak ng jowa niya, o di kaya ay niloko siya. Mga pag-ibig na nauwi sa trahedya at iyakan portion. Maraming sawi sa pagibig. Marami kami. Pero marami rin naman ang mga biatches at idiots na ang may pakana sa pambibilog ng mga ulo ng mga kawawang martir. Kaya nga nauso ang mga telenovela, hindi lang dahil sa mga nawawalang mga anak dahil rin ito sa mga pag-ibig na may halong kiliti at hinagpis. Nakapanghihinayang at isang buhay ang nasasayang dahil sa pagmamahal ng sobra sobra.
Hindi ko ibig ipahiwatig na masama ang ma-inlab sapagakt ako rin mismo ay agree na masarap ang feeling na may insipirasyon ka. Ika nga nila, maliban sa pera, "love makes the world go round". Ang pag-ibig ay ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundo. Ito’y dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Tayo’y nabuo bilang tao ay dahil sa pagmamahalan ng ating mga magulang sa isa’t isa. Masarap ang magmahal ngunit dapat nating malaman ang ating limitasyon. Dapat nating malaman na hindi lamang sa isang tao ito natatagpuan. Hindi dahil sa ika’y single o busted ay magmumukmok ka na hanggang sa may dumampot n sa iyo galing Mental, sapagkat malawak ang mundo at maraming puwedeng mahalin.
Maaring nakatutuwang isipin ang reyalidad kapag ikaw nga ay natamaan na ng pana ni kupido ngunit dapat nating isipin na ito’y isang seryosong bagay. Walang masama ang paghanga sa tao pero kapag obsession na ito na nasa punto ka ng nasisira na ang ulo mo, gumising ka na tol sapagkat sinasayang mo na ang oras at buhay mo. Walang masama sa pagkakaroon ng relasyon pero sana isipin natin na dapat nasa tamang oras at panahon ito. Dapat nasa maayos na timing. Puwedeng magmahal ngunit dapat buo ito at walang halong good time lamang. Wala kang napapatunayan sa dami ng napaiyak mo ngunit may mapapatunayan ka pa kung ilang beses ka ng nabigo sa pag-ibig, at ito ang paghihintay sa nakatakda para sa iyo. Wag maging mainipin at matutong maghintay. Matutong makiramdam. Marahil hindi lahat ay napaliwanagan ko tungkol sa pag-ibig sapagkat sadyang malawak ito at walang sapat na mga salita upang ito’y ilarawan - at dahil na rin 16 pa lang ako at may milky lips pa pero ilang beses na rin ako kinilig, nainspire, naloko, niloko at umiyak pero di ko pa rin maitatangging iibig pa rin ako hanggat matagpuan ko ang mataggal ko ng hinihintay.
Ang pagkakaroon ng isang relasyon ay hindi isang laro o para magkaroon ka lang ng karanasan - dahil higit ito dito. Bago mo buksan ang iyong bibig at bigkasin ang mga salitang, "I love You" ay dapat paninindigan mo ito at buo ang iyong puso sa pagsasabi mo nito dahil baka magmistulang kang katatawanan at ang mga salitang nabanggit mo ay maging "I Laugh You" sa bandang huli.
Pahabol: Malamang nakaloloko, nakahihilo, nakaiinis at minsan masakit ang ma-inlab pero kung tutuusin, masarap ang umibig kahit ilang beses mo pa itong madama ngunit dapat may kaakibat itong pag-iisip rin dahil hindi ka ginawa ng Diyos na may puso lang, sinabayan niya ito ng utak para gamitin.Salamat sa pagbabasa.:-D
Mula kay: mykel_0613@yahoo.com
Previous Comments
grabe, habang binabasa ko to eh kumakain ako ng dinner mag-isa, natapos ko na dinner ko, di pa ako tapos magbasa. hahaha.
eh ang cute nia. wag na love!! haha..
Posted by vian at October 16, 2007, 7:25 pmit’s nice….
Posted by mk at February 25, 2008, 8:13 amThanx MK! wow. new visitor. salamat sa pag-iwan ng mensahe.
hi masait ba mag mahal kung ang isang tao nag mahal nang syo ikw may mahal nang iba
Posted by jedah at April 19, 2008, 7:22 pmhi ate poydi pa tambag nmo kng usa ka tao nag mahal nmo dyon ikw na ibog sad ka nya .dayon na abotb ang adlw na wla n aang imong felling nya dyon nana koy bag ong na ubgan pal help me
Posted by jedah at April 19, 2008, 7:25 pm@JEDAH: bago ang lahat ng kaguluhan.. taga saang planeta ka ba? thailand?malaysia?singapore? mukhang di tau nagkakaintindihan,haha. ano bang nais mong ipahiwatig? tagalog o english? ilang words? ilang syllables ba? haha.
tsong, english o tagalog lang alam ko. =))
Posted by prettypunkinlove at April 19, 2008, 8:51 pmbisaya na
Posted by akoo at September 8, 2008, 2:39 pm.
.
.
.hi.
.nice.
.one.
.
.
.
jejejeje… nice… ESTORYAHE
Posted by Reimuel at May 12, 2011, 2:31 pmgarbe nman po yan tama nman po yan hindi na talaga ako paluko sa pag ibig
Posted by monterkevin at June 25, 2011, 3:20 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





ang cute naman nito.
Posted by madel at October 13, 2007, 4:46 pm