Home » Post Item » Nothing should change.. ;) Acceptance. ;)
Nothing should change.. ;) Acceptance. ;)
September 19, 2007hMmM. ano ba ang nangyare sa araw na ito?
as usual.magkasama nanaman kami ng aking Lubby dubb. haha. at ako ay nagising ng 3am upang mag feeling at magkunwaring henyo at magbasa ng micro para. haha. ako ngayon ay nagsisipag na.kasi naisip ko na may juwawhoopers na nga pala ako. at ang tawag daw don ay inspirasyon.kaya pinipilit ko ang sarili ko na magkunware na inspirasyon siya. haha.
) pero ang totoo.. pinipilit ko siya mag-aral ng mabute.para naman masabi na ako ay isang magandang impluwensiya sakanya. at isa din akong inspirasyon! kaya dapat lang na tumaas ang grade niya..kung hindi.. ay Cool off na to.haha.joke!at para maging boto sa akin ang future mama at papa. hahaha.
) wag lang sana ako itira sa tugue.(EMPHASIZED yan) haha.
kanina ay hindi pumasok si vianney.. dahil siya ay may sakit.( ito ay maaring staphylococcal disease haha.
nako. baka mamaya.. meron na siyang staphylococcal tuberculosis, o baka diphteria, o baka pertusiss..) Nagmamagaling lang ako.. hindi ko talaga maintindihan yan dahil 9/20 lang ako sa quiz.. haha. nako. UMULAN ng malakas kanina.. as expected, kaming lahat ay sama-samang naging relihiyoso at nanalangin na i-suspend ang pasok. pero bad trip talaga. mahigpit na ngayon. kahit may ilog na sa dapitan street, e wa epek! di natakot siLa dean vargas.!! hanggang pangarap na lang daw kami.. narining ko nga..sabi ng dean samin. "ASA!!" haha joke. ayun. nung lunch! grabe, umuulan!! tapos ang dalang payong ni lubby dubb. aba! e parang malaking sumbrero lang! hahaha. sabi pa niya.. " maganda yan, para malapit tayo!" haha. aba.diskarte!! naka chancing nanaman! solve solve nanaman siya.! haha.
MALUNGKOT ang lunch namin pag wala ang isa sa barkada. wala si vianney e.. naligaw,naghahanap ng lalaki. JOKE.haha ayun. walang korni samin. napaka intelektwal ng mga usapan namin.kasi walang mababaw sa mundo! haha. we miss Vayani………. fernando.
Ayun. tapos sinundo na ako ng aking itay.. at dumaan kami sa select. para bumili ng mangunguya sa daan. para galit galit muna. haha. tapos pagdating ko sa bahay ay nagtxt na ang aking bespren dahil nagpaplano na siya upang manood ng fall out boy! WOoHoo!! napapakanta na ako dito.. at nagtext si Joshua at sabi niya..
"unli na ako. kamusta?" at sabi ko,.
"aus lang. ikaw?"
"aus lang din. walang pasok bukas". sabi ko
"wag ka ngang mayabang!may pasok kami bukas! oi balita ko.labteam kau ni rica.haha"
"heh cra!!"
"ang sama mo. bakit ba tinatakwil mo yun? e bagay kau"
"hmmph. ikaw nga jan. di nagkekwento e!" hmpph
"hahaha.mamaya magkwento ako sabihin mo "i dont care..baka mapahiya ako e! nasabi na nga daw sau ni liz. nagulat ka nga e,haha"
"bakit ko gagawin yun? di ka nagkekwento"
"ikaw, kwento mo kung sino na babae mo. haha. wala nmn ako maikekwento e."
– e di na xa nagreply. anyway. at least ayos na ako at panatag na ang loob ko na balik na uli kami sa friendship state. buo na ulit ang liz-lou-josh trio.
ay namiss ko yung mga bruha na yun. haha. ang saya pag kasama sila. parang kayang kaya ko ilabas ang tunay na ako. at ayos lang sa kamnila. kumbaga fit in talaga ako. malaya ka magsalita, walang kontra bida. haha. at lahat pwede mo masabi sakanila.. prankahan nga e,.haha
–ayon. bago magdasal ay narining ko na naglolokohan sila kuya tungkol sa pagbisita ng gerlpren niya na akala namin ay nag break na sila.. haha. ika nga nila mama at dady "ay nako! nauntog na si tisay!! iniwan ka na rin.hahaha" sori nmn. bastusan na mga magulang yun. pagtawanan ba naman ang kuya ko.kawawang nilalang…pero sabi niya "wala. friends na lang kami.haha" haha. tapos sabay sabi ni kuya jackson.. "hooH.. friends na lang ba? e si maria(ako) yata ang may Boyfren e!haha" *ayun. yumuko na lang ako at nanahimik.haha* sabay sabi ni kuya mon.. "Wow! How's Your LablayP??!" hahaha. pasaway! sabay si mama" meron na ba? meron na? meron?? ano meron ba??" e tumahimik na lang talaga ako. O.P. na e..haha sabay hirit si kuya ng "YIHEEE!!..dalhin mo dito!!" sabay tanong kay daddy na.. "Gumagana pa ba yang display mo ng baril jan??" hahaha. PATAY PATAY NA!! *e wala.di na nakapagsalita yung tatay ko..natakot sa kwentuhan namin.. baka maagaw na yung baby girl niya e.haha. di niya alam..ang kaniyang baby girl ay dalaga na.haha. kumekerengkeng na si iha. haha. ayun. pero dapat alam nila na SILENCE MEANS YES>haha!! YUN YUN EH!
ayun. kanina pa sumasakit ang dibdib ko..grabe. hirap huminga.. pero sabi nga ni SINTA ko.. "nako! maganda yan! ibig sabihin lumalaki yang dibdib mo!" hala.. si Mj talaga.. barbero. e sabi ko nga. "hala!! sana nga!! e hindi nga e.. flat pa rin.parang kinagat lang ako ng langgam.." hahaha.
di bale na ngang walang boobs. basta may beauty.hehehe. kesa nmn yun lang ang meron ka.haha ang panget tignan.. baka gawin ka lang star ng bomba films.hehe. haha.
AYUN. tapos na ang araw ngaun. salamat at nabuhay pa ako.hehe. 1 week na lang.. Monthsary na., aba. Looking forward daw ba? e ano ba ginagawa pag ganun?? hai. let's see.haha. bahala na xa.haha
kaniya kaniyang diskarte na to.
o nga pala. TIM: hindi ako magbubura ng kahit anong entry na napaghirapan ko na. at ang past ay past na! wala nmn ako pinagsisisihan sa mga nangyare sa buhay ko.everything happens for a reason. hindi ka dapat nagbubura ng memories kasi parang sinabi ko na din na pag wala na kami e buburahin ko din ang lahat ng tungkol kay lubby dubb. hindi ganun ang buhay. kailangan tanggapin ang nakalipas at ang nangyare noon ay tapos na at isa na lamang alaala na dapat ay masarap balikan at hindi isang mapait na karanasan. ang mga nasulat ko dito ay parte na ng buhay ko na hindi ko nais alisin.. at dahil masaya ako sa lahat ng nangyare..ika nga ni lubby dubb. "kung may babaguhin ka ba..sa tingin mo eto pa rin ang mangyayare..?" baka hindi. kaya ayos na na naganap ang lahat.
at baka hindi kami ngaun. hindi ba??
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





haha.naexcite magblog
Posted by madel at September 19, 2007, 11:04 pm