Home » Post Item » the thai cuisine..and my day trip
the thai cuisine..and my day trip
July 28, 2007simulan nating ang araw ko sa aking pag gising.. ay.nasabi ko ba sa inyo na hindi na ako naka BRACE!!!!! woohoo!! ang saya!! sobra.. retainers na gamit ko.. at alam mo ba.. kapag kagigising mo lang.. mabaho ang retainer.kasi kaamyo ng laway ko.haha. e kasi hindi nmn kao nagsasalita kapag tulog.(Malamang! matakot nmn ako kapag ganun) e kaya napanis yung laway ko.. ay teka.pababuyan na tung blog ko ahh.. ay ayun.. e umaga nga diba. e ginising na ako ng nanay ko..sabi niya.. "oi!!!!!!! gising na!! 5 na!" edi tayo ako. tapos kumain ako ng ham! with best food mayonnaise para sumikat ako sa hollywood! tapos naligo na ako nun e.. bagong bili pa man din yung shampoo at sabon ko..kaya ang saya ko pa maligo nun. tandang tanda ko pa yung feeling.parang first time.haha.edi ayun. e ang tagal kong hinahanap yung rubber shoes ko! kasi nga nawawala!! nako naman. hindi kaya isinangla nila?? bakit wala sa bahay. nakakainis talaga un.e ung luma na lang sinuot ko,. michael jordan pa man din yung shoes ko. ang ganda ng energy kapag yun ang suot ko e,.. ayan tuloy. I have to settle with nike na lang. argh!! e ang tagal pa ng kuya ko kasi sasabay siya..e pupunta daw xa ng araneta e. hai.amf. kaya nahuli ako.buti hindi late. e nagdala pa ako ng bola ng basketbal.. e hindi nmn yun ang pe ko. papansin lang kami. joke. e gusto ko maglaro with beb e,.
ayun. tapos umagang umaga. bad trip talaga ako.. naglaro kami ng hand ball.. e nakakainis yung kalaban namin na lalaki, yung competetive.. sinisiko ako.. e malapit sa dibdib ko!! ano ba gagawin ko.edi sumigaw ako ng "wag maxado malakas!uupakan kita!" hahaha. e nagalit yata ka-team niya samin. e asar talaga ako e.wala xang magagawa. bad trip ako nun! kasi iba yung feeling! dahil pala yun sa michael jordan ko na shoes. e sabi ko pa namn.. wag na ako ibili ng rubber shoes kasi meron pa ako.. e nawala na yata! argh, i hate u.
ayun.kumain ako ng pancake sa Mcdo.. tapos bumili ako ng ticket ng UUAP..kasi manonood kami bukas! YIPEEEE!! sigawan na to.hahaha tapos ayun. ang dami nagtatanong bakit ganun daw yung mukha ko.. abnormal na nga. naka simangot pa. bagsak na bagsak daw.. e kasi nga.kulang na nga ako sa tulog. nawala pa yung shoes ko.huhuhu. ano ba. naiinis na ako nung araw na yun.. e habang class.katabi ko si segui.. tapos e may problema daw xa.. aba! naging guidance counselor ako bigla.hahaha. kunwari magaling ako.haha. ginamit ko ang skills ko. bilang isang mabait na mamayanang pilipino.haha. e after nun. LUNCH na.. tapos eto ang nangyare.
Iniwan kami ni BART. kumain sila sa Wok with me sa dapitan. at sabi niya..masarap daw ang CREEP(hindi ba crept un?) bisaya version si bert e., tapos kami ay kumain sa THAI CUISINE!!!
maanghang pala talaga ang thailand food.. ummusok ang aking mga labi.. mas HOT pa sa lalaki!hahaha. e ang inorder ko ay squid in basil leaves..(basil valdez nga daw).. ang anghang grabe!! feeling ko..paglabas namin dun. may almoranas na kami.haha. kasi nmn,. halos sili na yung nasa kanin ko. ubeeeeeeeeeer anghang talaga. pero masarap nmn kung hindi lang nasobrahan sa sili.. e kamusta nmn yung koreana kong classmate.ginawang chicharon yung sili.. pinapak daw ba. hindi man lang na anghangan.. e ako nga.gusto ko na maligo sa yelo sa anghang ng pagkain.. hai. kawawa nmn yung dila ko… na burn.
okay. nung hapon na at uwian namin.. napag alaman ko nga pala na 8PM daw ako susunduin..hai.nakakainis talaga yun. pero nakita pa namin si sir Ivan. ang friend namin na best friend ni bart.. e kamukha niya ung prof. namin sa p.e… e nagutom daw xa..kaya ayun. kumain kami.. si bart ay bumili ng siomai sa canteen. e ang harot ni vianney. natulak niya si bart at tumalsik ang siomai. pupulutin pa sana ni bart..kaso umabot na ng 5 sec… kung 4 sec. lang sana..pwede pa… e dahil mabait si ivan..sabi niya,,"dahil kaibigan mo ako… itatapon ko na din tong siomai ko"..(hindi ba mali? dapat nag share na lang siya kay bart).. e hindi niya nmn tinuloy. joke lang niya talaga yun… aba!! nauto ko si sir! at nilibre niya ako ng nachos!!!yehey!!hahaha. mabait talaga yung si sir e.. nanlilibre.. kaso walang panulak. hindi kinaya ng pa-cute ko ang ice tea!!..
Uwian.. sa kabaitan ni bart. at sa awa siguro ng Diyos. e sinamahan ako ni bart maghintay ng sundo ko..at ang dami naming napag usapan ni bart. nag exchange na nga kami ng life story ni bart e..
e bawal ikwento sa blog ang lahat ng iyon. isa pa. nakkatamad… sobrang tinatamad na ako.pinipilit ko na lang mag type.. 9pm na nakauwi si bart dahil sa akin. ang laki tuloy ng hiya ko sakanya.. kaya kung mababasa man ni bart to.. "THANK YOU BART, ur the best! ang GWAPO mo talaga" hahaha.
pagkadating ko sa bahay.. ako ay nakatulog agad.. pero ginising ako ng tatay ko at sinabing… "anak, mahiya ka. hindi ka pa nag tooth brush"..kaya ako ay bumangon at nagsipilyo.. at natulog muli.
THE END.
Previous Comments
hi.. san kayo kumain ng thai cuisine?;p important lang po na malaman ko kasi i have this project at school na may kinalaman dun.. thanks…:)
Posted by tina at September 23, 2007, 8:34 pmthai cuisine mismo yung name. as in “thai cuisine”.. Near UST. sa street ng perpetual help. meron din sa P.Noval street nun.. beside UST.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



beb, parang si bart na lang ang lagi natin topic. haha. tunay na kaibigan eh
Posted by madel at July 29, 2007, 2:08 am