Home » Post Item » SchooL..Ang pagbabalik!
SchooL..Ang pagbabalik!
June 16, 2007Yessss! pasukan na! oi,. hindi ako sabik sa mga pesteng subject na chemistry,zoology,microbio, parasitology at kung ano pa man na subject.. FILIPINO na lang!haha. nako. eto na ang bagong block section! ang mga tao na makakasama ko ng tatlong taon! hell yeah! ang mga kaklase ko na makakasama sa pagpapalaki ng eye bugs! kamusta nmn un! parang mga zombie lang kami sa classroom!
ano nga bang ginagawa sa unang araw ng pasukan? BOY HUNTING!hahaha. naghahanap kung may papable ba na classmate! nako. mukhang wala. pero may kaklase ako na kamukha ni billy crawford! baka nga gawin niya kaming back up dancer sa kanyang mga concerts. (he's from the bright lights, I'm from big city..) nako. ito din pala ang araw na makikita ang mga prof. na kakaawaan para sa extra points!hahaha. pero may crush na ako agad! si close up!! ang kulit nga niya ngumiti e. naka brace din xa. kaya nga ayaw ko pa ipatanggal brace ko e. para perfect match! haha. LANDI!! pero ayoko na magbanggit ng pangalan. baka mabasa pa niya. mahirap na. baka hindi na ako maka chancing!haha.juk. "drugs ka ba? naaadik ako sau e… WHAPAK!" hahaha. mga style!!
unang linggo pa lang. pero saksakan na kami ng pang bababackstab sa mga kaklase namin dati na classmate ulit namin.,haha
) dugong dugo na yata mga likod nila sa palakol na binabato namin e!haha. nako,. may kaklase akong koreana! hindi si sandara parks!! hahaha. si shim hye-eun..ang bigkas ay "shim he-en". tapos ung may mga kakaibang pangalan tulad ni britan norman pero lalaki. bale.. Britney spears! haha. tapos si JK.. Jk Rowling! haha. mga hollywood noh!! britney,billy at jk! san ka pa?! ako..si lou. lucy lou!! haha.pinilit!
nako! natalo nga ako sa pagka posisyon bilang vice president ng klase! wala nmn akong plata porma!haha. pero may party list kami! ang genuine oposisyon! kala kasi namin in demand e.. un pala gusto nila e team unity! buti na lang.tatlo ang naupo sa oposisyon.. at ang muse e galing sa oposisyon.. e tunay naman na magaganda kami! haha. KAPAL! ang muse e si marie joyce!! kering keri!!
sa baon ko na 120 pesos. barya na lang ang natitira! napaka mahal naman kasi ng pagkain sa carpark! akala mo e sinasamahan ng ginto ung pagkain mo. e kasi nmn ung kinakain namin sa murang karinderya,, napaka BALBON ng pagkain!haha. may kanser yata ung tagapag luto e. lagi na lang may buhok ung pagkain.haha. kaya pala masarap.. un nga e. hindi mo alam kung saan nanggaling ung buhok na un..kung saang part! o hindeeeeee!!haha. pwede ng hair extensions ung mga un e. delikado pa nmn kapag naka brace ka. sumasabit ung buhok sa brace.,
buti na lang wala pa kaming klase. kasi nmn,. tamad pa din mga prof. namin.. may prof pa nga kami na nakalimutan na may klase siya samin. ang lakas ng trip! nakakalungkot kaya, kasi hindi ako binilhan ng bagong black shoes. kasi bumili ako ng white shoes, huhuhu. e mukhang bibigay na ung sapatos ko. para na ngang ahas e. nagbabalat!! haha.
)
kahapon pumunta ako ng ortigas mula Uste! nak ng! ung jeep na sinakyan ko! epal ung driver at ung dalawa niyang kaibigan na kasama niyang pumasada! parang pinaka bwisit na driver sa earth! ang gulo gulo mag drive! muntik pa silang mabangga. tapos bumaba pa ung friendship nung driver. tapos naghamon pa ng away, sabi niya "bumaba ka jan! kala mo hah".. nako. as if naman babalik ang oras kapag nakipag away siya! e gumawa lang ng gulo! soxal na friendship ng driver. nagpapaka knight in shining armor ng driver! nag eskandalo ba naman! akala mo sisikat siya. e gumawa lang ng trapik. gusto ko ngang patayin e. tapos puno na nga ung jeep.. magpapasakay pa siya. anong tingin niya sa jeep? sardinas?! ipit na ipit na nga ung mga pwet ng pasahero e. nag feefeeling payat na nga kaming lahat dun e. hai.napaka reklamador ko talaga.. pero totoo naman.
naka receive pa nga ako ng text message AGAIN! na nanalo daw ako ng pera!! ng 400k!! kamusta nmn un? e 5 beses na ako nakaktanggap ng pesteng text na ganun!may house n lot pa! may millions pa! bat di na lang ako tumama sa loto?! haha. isumbong ko kaya siya kay Mike enriquez..ehem, Excuse me po!. hahaha, ang sarap ipa imbestigador ng mga un tapos pugutan na ng ulo! o kaya, ikulong at ipa-rape sa mga bading!! bwiset sila! mga walang magawa sa buhay..parang ako. haha. juk.
ung parents ng tita-in law ko ay nag golden aniiv. kanina! wow. ang galing!buhay pa sila! at kamusta nmn ung suot ng isa kong tita,, kakulay nung mantel ng lamesa sa reception! gold ba naman kasi isuot!hahaha
) yun ang hindi ko gagawin. ang magsuot ng gold sa golden anniversary.. napaka "I BELONG" ng suot ng tita ko.hahaha
) baka patungan siya ng pagkain!hahaha
) at punasan ng waiter ung likod niya. grabe. dapat binilhan ko siya ng cloud9 na chocolate.para maging confident siya. parang ung sa commercial.. ayun. mahaba na tong nobela ko. e may isa pa akong isusulat. kasi babawi ako sa mga araw na hindi ako nagsulat.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


