Home » Archives » June 2007
B-day.not a birthday!its a sad day…
June 21, 2007OKAy.. na-BUSTED KO NA XA!!!
para sakin. it's one of the hardest thing to do or to say. how to tell a person na hindi mo xa gusto or hindi mo na xa gusto. mahirap.nakakakaba(dug-dug-dug.parang oral recitation ito.parang may buhay na nakataya.Pesteng yawa!) hindi ko alam kung pano sabihin na sana ay maging friends na lang kami dahil alam ko na mananakit ako at alam ko na hindi tama ang ginawa ko na nan lamig ako sakanya. masakit para sa part ko na naging masama ako at hindi ko napigilan ang kasamaan na manlamig sa kanya. wala naman ako magawa kapag naiilang na ako sa isang tao.mahirap!!!!(di mo ginusto pero parang ginagawa mo.magulo magulo magulo!) nasaktan ko kaya xa. ang gago ko. parang kinakausap ko ng sobra ang ibang tao sa harap niya..hidni ko alam kung nananadya ba ako o hinde. aminado naman ako na ang sama ko. wala akong magawa. hindi ko alam kung baket. magsisisi na lang ako,.
Ayokong nag papa asa! masakit kaya un. kaya habang maaga pa. sinabe ko na ang lahat.
MY LIFE IS A MUSIC NOTE.. DO-to-DO… DO,re,mi,fa,sol,la,ti………….. and DO again.
hindi nababago. nauulit lang. ilang beses na may dumaan sa buhay ko pero hangggang ngaun. NBSB pa din ako,. napaka taas daw yata ng standards ko. Oo yata. ang sama naman ng kapalaran. dahil ako ang laging bumibitaw.ako ung umaalis sa kanila. hai, napaka sama ko, akala ko talaga SIYA NA. hindi pala. what. ano ang mga rason.
- FREEDOM. gusto ko maging malaya (ibon mang may layang lumipad..kulungin mo at umiiyak).peste. hahaha. ano ako?MAYA?! kalapating mababa ang lipad?haha.
- FEELING IS GONE- ayoko nmn pahabain pa ang kalokohan na nangyayare
- TIME-maxadong hectic ang sked. mahirap magkita. eh di nmn yun mahilig mag txt.kamusta nmn un? mag juwha kami pag lunch lang?
- FRIEND KO SIYA.auko siyang masaktan. dahil aminado ako. malandi kaya ako.hahaha. madami aong crush.kahirap nmn kung masasaktan siya lage dahil sa kalandian ko.haha. pero totoo naman na madami akong crush noon pa man. sadyang nasa top list ko siya NOON at hindi lang crush ko siya NOON..gusto ko siya NOON. puro noon.kamusta nmn un.
basta. kahirap naman ng moments na ito,. nag aalala pa rin ako kung ano ang mangayayre. wala na. pesteng buhay to.haha. kahirap ng mga bagay bagay sa mundo. nakakairita minsan kasi ewan. ang gulo ng buhay. nagugulo ako ngaun. mahahanap ko din siya! AJA!! kakapanood to ng koreanovela. amf!
All out of LOve?? O hindeeeeeee!!falling away??
June 16, 2007hai. nakakalungkot dahil lumalamig na ang turing ko sakanya. parang kailan lang nung nag decide ako na sasagutin ko na siya. pero ngaun e HINDI na! nakakalungkot talaga. sobrang ang hirap sabihin at lalong hindi ako sure kung tama ba ang gagawin ko. pano kung bigla ko ma realize na gusto ko pala talaga xa. pero may iba na xa. anong gagawin ko? mag suicide? haha. juk nako. deins ko know ang gagawin aketchi! wha.
panu un noh. naglagay din naman ako ng efforts. kasi nmn. absence doesn't make the heart grow fonder nmn talaga! kasi namn ung summer vacation e. tapos ang isa pang bagay e.. hindi siya full effort sakin! anu b nmn un? mag relasyon lang ba kami kapag magkasama kami? auko ng ganun!kaya bahala na xa. nako. ang yabang ko dito. pero pag totohanan na. di ko kaya sabihin,.hahaha. tapos iba na talaga ang feeling. hai hai hai. lalo na na may dalawa na akong secret crush.hahaha. nakakaloka. parang dati.deads na deads ako sakanya (tipong nang aaway at nang babackstab ako ng mga babaeng may gusto sakanya) pero ngaun, parang gusto ko na siyang ipamigay. (haha.ang sama ko!potek) nako. e kasi parang ang labo pa ng sched namin. as in minsan lang kami magkikita. lunch lang. e gusto ko kasabay mga classmates ko. parang hindi pa ako handa… at lalong malaking sakripisyo ang magtimpi.. e napaka lalakero ko pa naman!hahaha(inamin?) nako. lagi na lang ako lumilingon pag may gwapo. haha. at pag may maganda din.. o hINDEEE! makekwestyon ang sexualidad ko!! haha
hai. anu ba to! ang hirap ng buhay pag ibig!yak.hahaha
kasalanan ba nag maging maganda? dapat kinulong na ako! haha joke lang! napaka hangin ko talaga!kaya pala lumolobo ako!haha.
lalo na na may kinahuhumalingan akong tao. hahaha. nako! pag kami na develop. hahaha. iba na to! hahaha. hai.nagsawa nga ba ako? nako. ang sama pakinggan. hindi nmn cguro.. e hindi naman KAMI e. napaka NBSB ko. no boyfren since birth! pero malandi ako since birth,haha. nako. anu ba gagawin ko? DR LOVE? hahaha. yak. basta. try ko ibalik ang feeling. pero pag wala talaga,. e friends na lang. pero super close friend ko xa. baka may magbago samin kapag nangyare un.baka hindi na kami mapalagay kapag totoong bustedin ko xa. o Hindeeeeeee!! sayang kung di kami magkakatuluyan! maganda pa naman ang lahi namin. (aso?) hahaha. teka. kadire nmn! bakit lahi agad? baka ma out of school youth ako niyan!haha
napaka hirap i-explain ang mga bagay bagay. di ko maintindihan minsan. pero ang alam ko sa ngaun.,.hindi ko pa kayang i give up ang mga boylets ng buhay ko,, haha,. boylets DAW! pero xempre hindi nila alam. haha. patay malisya muna!haha
ang hirap talaga. magiging kampanerang kuba na yata ako sa mga problema. pero xempre. wala pa ang mga problema na yan sa kalingkinan ng questions sa inorganic chemistry!!! e duduguin ang ilong mo! kulang pa..pati tenga mo e lalabasan ng dugo sa mga tanong ng prof.!! parang pati ilong mo e may period!! kailangan ng whisper,, with wings hah!haha
bahala na kung sino ang pipiliin.. kung pwede lang mag collect and collect. tapos walang select.. para masaya! haha. kakanta na lang ako ng.. "sana..dalawa ang puso ko" hahaha.
bad trip. panu ba kasi malalaman kung dapat nang ilagalag. para wala nang aasa. anyway. hindi nmn mabigat na problema yan. medjo lang. nagkwento lang ako para may maisulat, kawawa nmn kasi ung blog ko.
SchooL..Ang pagbabalik!
Yessss! pasukan na! oi,. hindi ako sabik sa mga pesteng subject na chemistry,zoology,microbio, parasitology at kung ano pa man na subject.. FILIPINO na lang!haha. nako. eto na ang bagong block section! ang mga tao na makakasama ko ng tatlong taon! hell yeah! ang mga kaklase ko na makakasama sa pagpapalaki ng eye bugs! kamusta nmn un! parang mga zombie lang kami sa classroom!
ano nga bang ginagawa sa unang araw ng pasukan? BOY HUNTING!hahaha. naghahanap kung may papable ba na classmate! nako. mukhang wala. pero may kaklase ako na kamukha ni billy crawford! baka nga gawin niya kaming back up dancer sa kanyang mga concerts. (he's from the bright lights, I'm from big city..) nako. ito din pala ang araw na makikita ang mga prof. na kakaawaan para sa extra points!hahaha. pero may crush na ako agad! si close up!! ang kulit nga niya ngumiti e. naka brace din xa. kaya nga ayaw ko pa ipatanggal brace ko e. para perfect match! haha. LANDI!! pero ayoko na magbanggit ng pangalan. baka mabasa pa niya. mahirap na. baka hindi na ako maka chancing!haha.juk. "drugs ka ba? naaadik ako sau e… WHAPAK!" hahaha. mga style!!
unang linggo pa lang. pero saksakan na kami ng pang bababackstab sa mga kaklase namin dati na classmate ulit namin.,haha
) dugong dugo na yata mga likod nila sa palakol na binabato namin e!haha. nako,. may kaklase akong koreana! hindi si sandara parks!! hahaha. si shim hye-eun..ang bigkas ay "shim he-en". tapos ung may mga kakaibang pangalan tulad ni britan norman pero lalaki. bale.. Britney spears! haha. tapos si JK.. Jk Rowling! haha. mga hollywood noh!! britney,billy at jk! san ka pa?! ako..si lou. lucy lou!! haha.pinilit!
nako! natalo nga ako sa pagka posisyon bilang vice president ng klase! wala nmn akong plata porma!haha. pero may party list kami! ang genuine oposisyon! kala kasi namin in demand e.. un pala gusto nila e team unity! buti na lang.tatlo ang naupo sa oposisyon.. at ang muse e galing sa oposisyon.. e tunay naman na magaganda kami! haha. KAPAL! ang muse e si marie joyce!! kering keri!!
sa baon ko na 120 pesos. barya na lang ang natitira! napaka mahal naman kasi ng pagkain sa carpark! akala mo e sinasamahan ng ginto ung pagkain mo. e kasi nmn ung kinakain namin sa murang karinderya,, napaka BALBON ng pagkain!haha. may kanser yata ung tagapag luto e. lagi na lang may buhok ung pagkain.haha. kaya pala masarap.. un nga e. hindi mo alam kung saan nanggaling ung buhok na un..kung saang part! o hindeeeeee!!haha. pwede ng hair extensions ung mga un e. delikado pa nmn kapag naka brace ka. sumasabit ung buhok sa brace.,
buti na lang wala pa kaming klase. kasi nmn,. tamad pa din mga prof. namin.. may prof pa nga kami na nakalimutan na may klase siya samin. ang lakas ng trip! nakakalungkot kaya, kasi hindi ako binilhan ng bagong black shoes. kasi bumili ako ng white shoes, huhuhu. e mukhang bibigay na ung sapatos ko. para na ngang ahas e. nagbabalat!! haha.
)
kahapon pumunta ako ng ortigas mula Uste! nak ng! ung jeep na sinakyan ko! epal ung driver at ung dalawa niyang kaibigan na kasama niyang pumasada! parang pinaka bwisit na driver sa earth! ang gulo gulo mag drive! muntik pa silang mabangga. tapos bumaba pa ung friendship nung driver. tapos naghamon pa ng away, sabi niya "bumaba ka jan! kala mo hah".. nako. as if naman babalik ang oras kapag nakipag away siya! e gumawa lang ng gulo! soxal na friendship ng driver. nagpapaka knight in shining armor ng driver! nag eskandalo ba naman! akala mo sisikat siya. e gumawa lang ng trapik. gusto ko ngang patayin e. tapos puno na nga ung jeep.. magpapasakay pa siya. anong tingin niya sa jeep? sardinas?! ipit na ipit na nga ung mga pwet ng pasahero e. nag feefeeling payat na nga kaming lahat dun e. hai.napaka reklamador ko talaga.. pero totoo naman.
naka receive pa nga ako ng text message AGAIN! na nanalo daw ako ng pera!! ng 400k!! kamusta nmn un? e 5 beses na ako nakaktanggap ng pesteng text na ganun!may house n lot pa! may millions pa! bat di na lang ako tumama sa loto?! haha. isumbong ko kaya siya kay Mike enriquez..ehem, Excuse me po!. hahaha, ang sarap ipa imbestigador ng mga un tapos pugutan na ng ulo! o kaya, ikulong at ipa-rape sa mga bading!! bwiset sila! mga walang magawa sa buhay..parang ako. haha. juk.
ung parents ng tita-in law ko ay nag golden aniiv. kanina! wow. ang galing!buhay pa sila! at kamusta nmn ung suot ng isa kong tita,, kakulay nung mantel ng lamesa sa reception! gold ba naman kasi isuot!hahaha
) yun ang hindi ko gagawin. ang magsuot ng gold sa golden anniversary.. napaka "I BELONG" ng suot ng tita ko.hahaha
) baka patungan siya ng pagkain!hahaha
) at punasan ng waiter ung likod niya. grabe. dapat binilhan ko siya ng cloud9 na chocolate.para maging confident siya. parang ung sa commercial.. ayun. mahaba na tong nobela ko. e may isa pa akong isusulat. kasi babawi ako sa mga araw na hindi ako nagsulat.


