Home » Post Item » shopping for the surprise and baking..(OMIGULAY! rain at baha.)
shopping for the surprise and baking..(OMIGULAY! rain at baha.)
May 12, 2007Thursday: pumunta ako sa robinsons galleria para bumili ng mga gifts para sa isang surprise ek-ek sa isang special person(special? Gaya ng sabi ko dati..special child xa.joke.haha).. birthday niya kasi ay may 12.pero magkikita kami ng may 11 for the physical exam.. onga pala.nag stay muna ako sa roof top ng bldg. naming.. sa taas yung mga pic.^^
As usual.. kailangan ko nanaman gumamit ng bus para makarating dun. Kailan kaya ako magkakaron ng sasakyan? Im too lazy to commute.(hay.,gusto ko ng sasakyan na mamahalin.haha. ambisyosa.! This is a call for a D.O.M!haha.) nako. Buti na lang isang bus lang mula sa office ni daddy yung mall.. hai. Mga 11:30 na nung dumating ako sa mall..(Oops! Hindi ako lumamon!akala niyo lang.haha.).. pinigil ko ang aking pag nanasa sa pagkain(ayos ang term).. nagbaon na lang ako ng cookies, mrs.fields.(oi.yummy yun hah! Nakuha ko lang sa bahay namin.haha.Magnanakaw ng food!kaya pala nawawala yung pagkain sa bahay. Nakatago na pala sa tiyan ko!haha).. keilangan magtipid kasi budget para sa surprise gift ko.wahaha.(ang sweet ko talaga. Lalanggamin na ako niyan)
Naisip ko talaga agad ay ang magbigay ng itim na medias!haha, kasi minsan puti na socks ang ginagamit niya.. e nahuhuli siya ng prof. kasi dapat black.. hay.. si MICHAEL JACKSON talaga. Haha. (ou dahil puti ang socks ni m.jackson. THRILLER!haha.).. hay. Kung alam niya lang yung blog ko na to. Hala.pinatay niya na ako.. kaya socks ay alam ko ang hirap niya tuwing subject na nung mahigpit na prof.. malamang kinakabahan siya na Makita ang puti niyang medias.haha. ramdam ko ang hirap (mahirap kaya magtago ng medyas, lalo na kung BITIN ang pantaloon!haha.) pero bilib ako sakanya..kasi T-TH ang socio anthro namin.. kaya pati medyas niya ay may schedule..dapat pag T-TH ay itim..pero minsan naka puti pa rin xa dahil hindi niya nalalabhan yung mga itim.haha. ORGANIZE!
Sa department store.
AKO:*tumitingin ng medias*
SALES LADY: mam. Ano po un? Para kanino?
AKO: (Hala! Alangan na sabihin ko na para sa kaibigan ko..-may tao ba na bibilhan ng medyas ang kaibigan niya..baka magtaka.. kaya operation Pinocchio muna!)..ahh.. para sa kuya ko..mga 18 yrs.old.
SL: ahh. Eto po ba?..kukuha lang po ako ng stock.
AKO:thank you.(aba, xempre mag thank you ka..dahil sa wakas may regalo ka na.haha
Tapos pumunta na ako ng national bookstore.. bibili ako ng pambalot tapos LIBRO ni BOB ong. Isa yun sa gusto ko ibigay..kasi natatawa din xa kay bob ong.. e hindi niya natapos yung isa at wala xang copy.kaya ayun.binili ko na.. Tulong na din to para yumaman pa ang idol ko na author na si BOB ONG! Kesa nmn dun ka pa sa national magbasa ng libre.(haha.kaya nagmamaka awa si bob ong..haha. dahil walang nagbabayad sa paghihirap ng kaniyang utak para may isulat.) tapos bumili na din akong mothers day card.^^
At bumili ako ng key chain sa phone.. binigyan niya kasi ako dati ng ganun na mag partner pa.^^ haha. Pag pinagdikit mo. May maliit na heart na mabubuo tapos mag kadugtong din yung sentence. Pink at blue yun.. mas maganda yung binigay niya..hindi ko kasi alam kung san makakakuha nun. Eun eun. Tapos bumili pa ako ng card na napaka kyut at napaka ganda ng meaning..basta yung sa dulo nun. may "I believe in you” pa na drama.(nako! Uuhugin siya sa sobrang saya nun!haha) tapos ginawan ko pa xa ng card na kung anu-ano ang pinagsasasabi ko.. at sabi ko.wala na akong maihihiling pa kasi kumpleto na siya.dahil nasa buhay niya na ako.(hahaha. Naks! Hanggang letter ba naman ay sinisiksik ko ang sarili ko?haha.)
At nung sa wakas ay pauwi na ako.. aba! May galit yata ang panahon sakin. Dahil nandilim ang paligid at tila ba’y magugunaw na ang mundo(OA!haha).. nako. E wala pa naman akong payong.(nakalimutan ko.hindi pala talaga ako nagdadala ng payong kahit kulay uling na ang langit.^^) aba. Ayun nga na ambunan na ako.. aba. Sayang lang at hindi yun unang ulan ng mayo na nagpapagaling daw.sabi ng matanda. kailangan nating galangin ang kanilang paniniwala!haha.(lulusot lang ako.) tapos BWISET na bus driver. Tama naman yung sinakyan ko na Fairview.kaya dapat ay dadaan sila sa ilalim hindi sa taas.PUTEK! sabihan ba naman ako ng..”dito na lang kayo bumaba o..trapik e.”.. anak ng tokwa… sheneng sheneng! at hindi pa yun. Maganda ang bus nila. May falls sila sa loob ng bus! Aba. Libre ang shower! Akalain mo na butas yung bubong nila sa gilid ko. Aba., aba. Ang kapal ng mukha! Hindi man lang namigay ng sabon at shampoo!pero.. Hindi na lang ako kumontra. Baka pag pababa na ako bigla xang umandar,tapos sumubsob ako. masira pa ang beauty ko.(o db. Tama). Kaya ayun.bumaba ako ng di oras sa may kalayuan..at OHHHH NOOOOOOOO………
May sumulpot na ILOG sa kalye!!!! Omigulay!!! Masasagasaan ako at mapipipi ng bus kapag di ako lumusob sa baha.. kaya ayun… ang saya ng paa ko dahil nakapag swimming xa! Ai., buti wala akong sugat sa paa. Kundi.baka may lepto.. lepto.. (wag na nga.hahaha.).. leptopyrosis.? ung sakit sa ihi ng daga. Hala. Tapos sumugod ako sa ulan.. go go go. Sago! Nung dumating ako sa building nila daddy.(may shares kami dun.kaya medyo respetado kami. Kahit mukha akong bastusin?haha.juk).. ayun.. nasa may pintuan na ako. May guard dun at mga workers.. e may karton. At dahil basa ang paa ko.. alam niyo na..nag SLIDE ako!!!!(ilan bang isda ang nahuli ko at bakit nag dive ako???) OHHHH NOOOOOO…. Parang 7up moment siya.(anong gagawin mo pag nadulas ka sa harap ng madaming tao.. A. umiyak, B.magpa kyut C.mag kunyaring plano ang lahat?? MAGPAKATOTOO ka sister!haha) nako nako nako.. tayo agad ako at bigla akong nagpakita ng isang matindi, kumukuti-kutitap at abot tenga na ngiti. Hahaha. Kung nasa Ms.universe lang ako.. am sure. Nanalo ako kahit runner up! Ala Miriam quiambao ba naman..mas matindi nga lang! hay. Napahiya nmn ako. (I mean.NANAMAN, lagi kaya yung ganun.. pero dahil magaling ako..CARRY lang!haha^.^)
Pag uwi ay nag bake ako agad ng choko cupcake..and hell yeah. Yummy!!!! Firat time ko gumawa pero successful.haha. thanx to allrecipe.com!! pero ako din ang naghugas ng lahat ng ginamit ko.at gabi na ako natapos..as usual..nabaliw nanaman ako at kung anu-ano iniisip ko..natatakot tuloy ako. Buang talaga ako.^^
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



lolz! i love your posts! and ku-cute eh! hehe… see yah around more!
Posted by sarah at May 12, 2007, 4:31 pm