Home » Post Item » ang api ay nagwawagi..
ang api ay nagwawagi..
May 5, 2007naisip ko lang isulat kasi pinag uusapan namin kanina..
pero baka hindi kau familiar sa "On the spot".. isa siyang part na game show ng eat bulaga..una ay mamimili ka ng number at pag natawag yung number na napili mo.. may itatanong sayo at pag nasagot mo yung tanong, mamimili ka ng tao na sa tingin mo ay may hawak ng pera na 25'000 at makakapaglaro ka pa sa jackpot for 100K with showcase..(magulo ba? nagulo din ako e.haha…)kahapon kasi yung nanalo ng jackpot.e yung inapi na babae.haha.
napanood ko yung mga pangyayari. umiyak siya nung natawag yung number na 17.kasi yun yung number na binabantayan niya dahil birthday yun ng anak niya.kaso naagawan siya ng isang lalaki. kaya umiiyak siya non. yun pala. tinulak siya ng lalaki nung naka tayo na siya sa number na iyon. (masamang lalaki.amf).. pero sa huli.natawag din yung number niya.. at laking tuwa niya..pero isa na lang ang choice niya.. c toni rose na lang ang pwedeng piliin.pero laking gulat niya dahil na kay toni pala ang jackpot.swerte. kung nauna lang xang sumagot, hindi siya kay toni mapupunta.^^ pero may kasabay siya na nanalo lang yata ng 10K or 15K.. na ang asawa niya ay may cancer.. dahil hindi diya nagkaron ng pagkakataong makalaro sa jackpot,binigyan na lang siya ni Vic sotto ng pera pang tulong. 15K din yata yun.(Nice talaga si bossing.. NUMBER ONE!NUMBER ONE!BOX OFFICE!haha. yun lang naaalala ko pag binabanggit si vic sotto e.. Enteng Kabisote..enteng kabisote)
peo ang na eenjoy ko sa "Onthe spot".. ay ang mga tao na NAGKAKAMALI NG SAGOT. kasi NATATARANTA.hahaha.. example..
"sa fairy tale…Sino ang kapatid ni gretel?"
sagot naman ng isang lalaki.."Uhmmmm….. PRETZEL??.. *nag isip ulit at tingin sa audience para may kodigo*..ahh. HANSEL"..muntik na.. akala ko may kambal si gretel.. si pretzel..
isa pa.."ano ang maikling pangalan na kinuha sa Luzon, visayas at mindanao?"
sabi niya.."uhmmmmm… LUZVIMINGGA?" whaat da? kelan pa naging mingganao ang mindanao. dapat sinugod na siya ng abbu sayyaff.. kasi umiinom ako nung tubig nun.. kadiri man ito..pero Naibuga ko lahat ng iniinom kong tubig… nakakahiya. takbo agad ako ng lababo nun.. basang basa yung sahig namin sa kababuyan ko.hahaha.
sabi kasi ng mama ko..dati daw ay nanood siya ng isang (hindi ko matandaan)..basta audience siya.. kasama niya yung kuya ko. tapos umalis daw siya ng pila kasi naiihi si kuya.. e sabi niya sa babae "paki bantayan muna yung pila.iihi lang yung anak ko".. e pagbalik niya sabi ba naman ng babae.."aba!hindi pwede..umalis ka e..tapos ganyan ka na lang babalik bigla..pumila ka ulit dun sa likod".. (ampotah..dapat sinabunutan na ng nanay ko yun at binungi. dapat nginudngud niya yung mukha hanggang sa mabura yung mukha niya sa mundo… mabait lang kasi ang nanay ko.) kakainis yun.. um-oo siya na babantayan niya tapos biglang magtataray… hayup.. e may prize pala yung mga chairs kasi may number something.. NANALO YUNG NANAY KO.. ng 50 PESOS!! aba.malaking pera yun.sa panahon ngaun..malamang daw mga 3'000 yun.bata pa kasi kuya ko nun e.. wala pa ang ideya na darating ako sa mundong ibabaw(kurni..) kung hindi dahil sa nagsungit na baabe na yun.baka hindi nanalo yung nanay ko..so I conclude na ang api ay nagwawagi..
pero mas masarap maging kontrabida..ikaw yung mahilig manampal at magsabi ng "You're nothing..but a second rate..trying hard, copy cat"..soxal ang lines ng kontra bida.. tapos ikaw yung pwedeng magtaas ng kilay.. at iakw yung pwede tumawa ng malakas tulad ng."Ha_Ha_ha_ha..HAHAHAHAHA..HA-Ha-HA"..
gusto ko ang roles ng mga kontra bida dahil magaganda ang mga evil laugh nila.^^
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


