Home » Post Item » Crossing roads..riding bus..watching welga.. and eating.(ang habaaaaaaa ng araw)
Crossing roads..riding bus..watching welga.. and eating.(ang habaaaaaaa ng araw)
April 27, 2007(sana nga napapasaya ko ang mga fans ko….message ko sa mga fans ko.."HELLO MGA FANS..SANA MAGING DALAWA NA KAYO.."^_^ kung may readers nga ako.. tataba ang puso ko niyan.parehas na sila ng legs ko.potek.haha.(oo.malaki ang legs ko.parang kay JOPAY.haha. dancer!!NAKSS!Kahit hita lang ang dancer..^^)
grabe. natulog ako kahapon ng 1 AM.. gumising ako ng 7AM.. hindi ko gawain pag summer dahil 9:30 pa ang gising ko.dahil ito sA meLatonin(a hormone,biological clock ntin^_^,.ay tokwa! akala mo magaling sa zoo! e 2.75 lang nmn!haha.) anyway.. ang tibay ko!!haha. nag "i-on" ba ako?(kailangan akong bayaran niyan!advertising ito).. kaya kailang ko uminom ng anti-oxidant(ito ay makakatulong na ma reduce ang visible signs ng aging.hay.ang kapal talaga.akala mo magaling sa science.haha.Feel-errrrrr.) na nescafe(sabi ni tweety de leon!).. so ayun.. pinagalitan nanaman ako ng tatay ko dahil uber bagal ko daw magbihis halos naloka na xa kaka wait sakin. kasi sasabay ako papuntang manila.. ayun naghintay pa ako sa office ng matagal na panahon at nagbasa lang ako ng candy mag(ay maarte ako. bading!) haha.. tapos ayun. nanlaki ang mata ko sa presyo ng mga damit damit dun..^^ tapos nag try pa nga ako magnakaw ng wi-fi sa office ni daddy.. wala nmn ako nakuha!malas na buhay, ayaw ako pag-inernetin.. tapos sa wakas binigyan na ako ng pera dahil mag papa dentist ako.^^
grabe, ang pagiging dentista ang huling propesyon na papasukan ko sa buhay ko., nangingilo ako kapag nakakakita ako ng binubunutan na ngipin. yakk! pero hindi ako takot kung ako ang bubunutan.pag ako ang nanonood..sumasakit ang mga nerves ko. nag tatayuan ang mga balahibo ko. parang scary movie ang pag bunot ng ngipin.. eeeeeeewww… mas gusto ko pa manood ng doktor na nilalamutak ang puso, bituka..(ang baboy ko!matagal na..haha)..
hinatid nmn ako ng driver..kaso mga dalawang kilometro lang.. tapos nag bus na ako sa halagang sampung piso..^^ kinakabahan ako pag sumasakay sa bus..pinag iisipan ko na kung san ko itatago ang cellphone ko kapag may sumigaw na (High jack/hi jack/hay jack?>>ano b spelling?!ERFLANE? ano nga ba sinisigaw ng masamang loob pag nasa bus? Hold up to? o ilabas niyo lahat?) ay wateber.. prepared ako kapag may masamang loob.. kaya nga naiisip ko na kapag malaki kang tao at may killer look. yung parang nangangain..huwag ka magsuot ng black..baka himatayin ako sa puso.haha. naipit na kasi ako sa barilan dati.(bang!bang!bang!) so kamusta nmn yun.. dahil dun ako nagtago sa may stall ng JoLLibee. at naiwan ko lahat ng pinamili ko sa mall.. at hindi pa ako makahinga.. ininterview pa ako ng mga tricycle driver(Wow!sikat!in demand!haha. ang tagapagbalita ng mga tricycle driver, si *toOt* po..PASOK!) nawalan yata ako ng dugo nun!nasayang ang binili ko sa national buk store!..amfufu! tapos nan Chika pa yung mga Driver dun. e wala akong masabi ang nasbi ko lang.. "Huh..huh..huh."..sabi ni manong.. "may tubig ka?"(AKALA KO MAKIKI-INOM PA SAKIN!..yun pala..)."Uminom ka muna..kinakabahan ka e"..aba mabait pala si manong..How Toughtful.how goldilocks.haha
nung nasa may ortigas na.. ang trapik!uber! edi napilitan akong bumaba agad sa may kalayuan… tapos kaya pala trapik! tokwa. madaming tao! akala ko may reporter or nandun ang GMA7 o channel2!(sayang!its my time to shine sana!haha. ambisyosang bata..^_^) may welga pala!haha. tapos habang naglalakad biglang may kumausap sakin.. (uyy. in fairness.gwapo xa!PAPA!haha. pwede!o baka may muta lang ako?) tinanong ba nmn sakin kung bakit may welga.. aba malay ko. dumaan lang ako e.(mukha na yata akong usisera ever) nangusap pa naman ang aming mata(Okok!hindi totoo.nan trip lang ako)
patawid sa kalye: okay. red light ang piktyur ng tao. e dahil tumatawid sila.. tumawid na din ako.. xempre. Yun ang in ngaun! jay walking!haha, juk, tamang daan.pero hindi tamang ilaw.. e wala nmn kasing dumadaan dahil trapik nga. tapos may padaan na motorsiklo..ay mukha akong tanga. nag hang ako sa gitna.haha. kasi natatakot ako tumawid.feeling ko masasagasaan ako..nasagasaan na kasi ako dati.. ng ano?? isang bisikleta!haha. bwiset na bisikleta yun.. buti na lang big girl ako nun!hidni ako nakaladkad.. yung bike niya pa yata ang injured.haha.
nagmamadali na nga ako umakyat sa robionson galleria(nako!advertisement nanaman)..ang bobo ko nga pala dati..dahil ang basa ko sa advertisement ay "ad-ver-tays-ment".."ad-ver-tis-ment" pala. ngongo.! pag dating ko sa food court..nalaglag ang aking mga mata sa mga pagkain..parang lahat kasi..GUSTO KO!haha. matakaw nanaman.. lagi nmn. gusto ko sana ng calamares.. e dahil wala sa value meal.haha. um-order na lang ako ng barbecue. grabeng value meal. value meal ba ang 98 pesos???? HINDEE!!! ang mahal. sana may karinderia dun,. tipid mode. mayroon nga akong nakita na lalaki..kumuha xa ng pinggan at kutsara..may BAON pala xa.. nahihiya kaya xang ilabas.. e para sakin.ayus lang yun,., kasi nagtitipid cguro xa. at wag niya pakielaman ang ibang tao. at least napakita niya na tipid moment xa. yan ang pinoy!(na hindi mayaman.xempre.kung mayaman ka.hindi ka magbabaon sa mall.)
pumunta na ako kay Dr.salazar for the adjustment..isa xang dentista sa robinson's galleria..and I'm telling you..MAHAL DUN!!! grabe.. superbs.. my brace is 45K! and the retainer is 10K! pero magaling xa hah! in fairness. bilib ako!
tapos pumunta ako sa tom's world yata yun.basta yung may mga arcade na parang worlds of fun..ganun.. naglaro ako nung machine na pwede kang makakuha ng mga stuff toys..hahaha. nakakuha ako sa aking pangalawang token ng cellphone holder na hello kitty!haha. nung nakuha ko yun.MUKHA AKONG ENGOT!haha. ngumiti ako ng abot tenga. as in.akala mo nanalo ako sa beauty contest.kulan na lang ay wave ng hand..haha. may mga nanonood pa naman sakin.. nakakahiya.haha. ngiting ngiti talaga ako.akala mo commercial model ako ng Colgate, o kaya beam or close up!hahaha.. siguro sinabi ng mga tao dun "sira ulo yata yung babae, ngiting ngiti ohh. nakakuha lang ng stuff toy.._) haha. epal ko.
pag uwi ko ay bus pa rin papuntang kamias dahil naroon ang office ni daddy..pag sakay ko. soxal ang bus!may tv at so close(isang korean action movie na super ganda dahil napanood ko na yon ng 3 beses.^^) aba! puno!pero buti may naupuan ako..may sumakay na matanda.. papaupuin ko na sana..aba naunahan ako ng katabi ko! (sayang!aKO na sana ang bida ohh!sumingit pa! jowk lang. okay lang skin.kasi xa ang lalaki.baka isipin niya na nakakalalaki ako pag ako pa ang nagbigay ng chair kay lola..)..nakikipag palit nga ako ng upuan kay lola dahil mukhang napipipi na siya sa mga tao dun.. pero sabi niya..pababa na daw siya..kaya sinabi ko na lang na ingat xa..ngumiti din xA.(nagka developan sa bus?haha. best friends na kami.^^) btw, ngaun ang kamatayan ni lola ko.kaya naghandog kami ng dasal sa kaniya kanina… sana nasa heaven na siya..^_^
DEAR LOLA,.. Ayos na ako dito.masaya ako(ECHOS!).. kaya.. wag ka na mag-abala pa na dalawin ako.. kung ayaw mo akong masunod diyan.haha.(PEro okay lang sakin kung mapilit siya at dadalawin niya ako..*buti na lang maaga pa..kung hindi.nangangatog na ako sa takot.ahah)
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



hehehe. patawa ka naman e. kalog ka ba talaga sa totoong buhay? o sa blogs ka lang ganyan? meron kasing mga tao na makukulit sa mga blogs pero in person, pipi na. yung tipong super shy na gusto mo ng batukan dahil sa sobrang hina ng boses.
anyway sige sulat ka pa ng mga adventures mo. babalik balik ako.
Posted by wits at April 30, 2007, 12:24 pm